Chapter 42

79.5K 2.1K 259
                                    

Hindi na ako pinilit pa ni Alec na kumain ng kung ano anong inihain niya sa akin. Nagpakaselfish ako ng gabing iyon at natulog ng matiwasay.

Sikat ng araw na tumatama sa aking mukha ang unting unting nagpagising sa akin, kinusot kusot ko ang aking mga mata at tsaka tamad na tamad na umayos ng upo. Sobrang bigat ng ulo ko at medyo nahihilo pa.

I'm almost half awake ng ilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto, wala ni kahit anong bakas na duon natulog si Alec o baka naman maaga lamang talaga siyang bumangon. Inayos ko ang aking sarili bago ko napagpasyang bumaba.

"Good morning po, Ma'm brenda" bati sa akin ng ilan sa mga kasambahay bago ito yumuko na para bang naiilang sila sa akin kaya naman hindi ko na lamang sila pinansin. Maingat akong bumaba sa may hagdanan habang hinihintay ang paglabas ni Alec sa kung saan dahil lately nagi siyang isang dakilang epal.

Nakarating na ako sa dinning pero ni anino ni Alec ay hindi ko nakita kaya naman kaagad akong nagtaka. "Si Alec?" Tanong ko sa mga kasambahay na naghahain sa may lamesa.

Nagtinginan pa ang dalawang ito na para bang nagtuturuan pa sila kung sino ang magsasalita at sasagot sa akin. "Uhm, Ma'm nasa guest room po...lasing na lasing po kagabi eh, pinatulungan na lang buhatin nung mga driver at guard paakyat" nakayukong sagot nito sa akin na tila ba ang pagtingin sa aking mga mata ay kasalanan.

Sandali akong napaisip pero kaagad din akong nakabawi. Malawak ko silang nginitian na naging dahilan kung bakit kaagad na rumehistro ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Can I have sunny sideup eggs and pancake, and bacon and strawberry milk shake" pagorder ko sa mga ito dahil iyon ang gusto ng bibig ko ngayon.

Nagtinginan ang mga ito na para bang isa akong puzzle na hindi nila alam kung paano nila isosolve. Ineexpect siguro nila na tatakbo ako ng mabilis para puntahan si Alec. Para ano? Para alagaan siya dahil sa kalasingan niyang siya naman ang may kagagawan.

"Grabe ang sama talaga" rinig kong bulungan nila bago sila pumasok sa kitchen.

Tumaas ang isang kilay ko dahil sa nadinig. Mga chismosa din talaga ang mga ito. Ilang sandali lang ang hinintay ko ay dumating na kaagad ang pagkaing hiningi ko sa kanila.

"Salamat" sarcastic na sambit ko with matching may nakakainis na ngiti pa. They don't have the rights to judge me kung paano ko pakitunguhan ang asawa ko dahil wala naman silang alam sa kung ano ang tunay na nangyari sa amin.

I really enjoy my breakfast nang kaagad akong mapahinto ng makita ko ang pagdating ni alec. He looks alright, bagong paligo at mukha namang nakatulog ng maayos. Inirapan ko siya tsaka ko pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Good morning baby" malabing pa ding sabi niya sa akin kahit paos na siya.

Hindi ko siya pinansin. Babyhin niya mukha niya. Wag niya akong kausapin dahil baka masira lang namin ang araw ng isa't isa.

"Sir coffee po" paglalapag ng isang tasa ng kape sa kanyang harapan.

Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lamang ako sa aking pagkain. "What do you want for lunch? Magpapaluto tayo" tanong niya sa akin.

"I want Clark...i want to be with Clark" sabi ko sa kanya kaya naman ang kanyang mukha ay naging kasing tapang ng kapeng iniinom niya.

"Maria umagang umaga please..." pakiusap na pagbabanta niya sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"You know what Alec? Stop hoping na maayos pa natin ang marriage na ito dahil hindi na, ayoko na sayo...kaya please" pakiusap ko sa kanya at pagpapaintindi na din dahil naiinis na talaga ako sa kanya.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon