Chapter 44

82K 2.2K 326
                                    

Hindi niya ako pinapansin kahit sa buong byahe namin pauwi. Nagpatuloy lamang ako sa pagiyak dahil sa sakit ng kanya pagkakasampal sa akin ay mas masakit isiping napagbuhatan niya ako ng kamay kasabay ng pag tawag niya sa akin ng malandi ay hindi ko magawang matanggap.

"You will stay here in my house! Hindi ka pwedeng lumabas" galit na sabi niya pagkapasok namin sa bahay.

Hindi ko siya pinansin. Nagtuloy tuloy lamang ako sa pagakayat papasok sa aming kwarto. Hindi nagpatalo si Alec dahil sinundan niya talaga ako.

"Anong ginagawa mo sa opisina ni Clark? You are supposed to be in the mall!" Sita niya sa akin na hindi ko pinakinggan.

"Sumagot ka! Punong puno na ako sayo Maria, punong puno na ako!" Galit at nanggigigil na sigaw niya sa akin kaya naman napaiktad ako.

"Miss ko na si Clark, miss na miss ko na siya kaya pinuntahan ko siya duon" galit na sigaw ko pabalik sa kanya.

Mas lalong namuo ang galit sa mga mata ni alec. "Bakit huh? Gusto mo yung pinsan ko...gusto mo na si Clark?" Panghahamon niyang tanong sa akin na hindi ko magawang sagutin.

"Inaalagaan ako ni Clark...hindi niya ako sinasaktan" nakayukong sabi ko sa kanya dahilan para ang base sa gilid ko ay mabilis na nabasag ng ibinato iyon ni alec sa pader.

"At ako? Hindi ba kita inaalagaan Maria?" Galit man ay ramdam na ramdam ko ang pagsusumamo sa kanyang boses.

"Sinaktan mo ako, pinagbuhatan mo ako ng kamay! Matatanggap ko pa yung pagsampal at pagbubuhos ng juice ng Mommy mo sa akin, pero ikaw Alec...yung sampal mo!" Umiiyak na sumbong at panunumbat ko sa kanya na naging dahilan kung bakit halos manlambot ang kanyang nakakatakot at matapang na mukha.

Mariin itong napapikit. "Cause I had enough" sagot niya sa akin.

"I hate you, I hate you alec" umiiyak at paulit ulit na sambit ko.

"I hate you but I still love you Maria" malumanay na sagot niya sa akin na kaagad ko namang inilingan.

"Liar! Sinungaling ka" sabi ko na lamang at hindi na siya muli pang nagsalita.

Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Alec, pero kahit ganuon ay inaalagaan pa din niya ako. Kinakausap pag kailangan.

"Drink your vitamins now Brenda" sabi niya sa akin ng lapitan niya ako may hawak itong isang basong tubig.

"Salamat" sabi ko sabay iwas ng tingin at muli kong itinuon ang atensyon ko sa dramang pinapanuod ko sa aking laptop. Wala na akong iba pang magawa sa bahay kaya naman yun na lamang ang ginawa ko. Ang manuod ng mga drama.

"Hindi ako pupunta sa office ngayon" sabi niya pa sa akin ng hindi ko napansing nasa may tabi ko pa din pala siya nakatayo.

"Uhmm...ah ok sige" sabi ko na lang sabay tango.

Akala ko ay aalis na siya pero hindi pa din pala. "Do you want to go somewhere?" Tanong niya sa akin kaya naman napakunot ang aking noo.

"Ah wala naman, sanay naman na akong nakakulong dito sa bahay" pagbabaliwala ko sa kanya dahil nanduon na ako sa magandang scene sa dramang pinapanuod ko.

Inaamin kong may pagkakataong iniiwasan ko si Alec. Hindi ji alam pero nagkaroon ako ng pakiramdam na ilayo ang sarili ko sa kanya simula ng pagbuhatan niya ako ng kamay.

"I think we should have dinner tonight, I'll book a reserva..." hindi ko na siya pinatapos.

"Ayokong lumabas ng bahay Alec, sabi ni Natasha I look losyang na daw. Dito na lang ako" paliwanag ko habang ang aking buong atensyon ay nasa pinapanuod ko.

Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon