Tumakbo ako paalis duon habang mabilis na tinutuyo ang luhang tuloy tuloy na lumalabas mula sa aking mga mata. The nerve of that guys! Ang sarap niyang sakalin.
Nalagpasan ko na maging ang sasakyan nito, hindi ko din alam kung saan ako pupunta pero sinisigurado kong ako ang uuwi magisa. Hindi na ako sasama sa bwiset na iyon.
"Maria...Maria!" Pagtawag nito sa akin kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang aking pagtakbo.
"Leave me alone! Leave me alone!" Hiyaw na hataw ko dito ng kaagad niya akong mapigil.
Kitang kita ko ang frustration sa mga mata nito, basang basa din siya dahil sa pagkakahulog niya kanina.
"Look, i'm sorry...i didn't mean to uhmm" hindi niya magawang dugtungan ang kanyang sasabihin na para bang hindi din niya alam kung ano ang tamang salita para duon.
Umiling ako. "You're right, Daddy is right...I hate you both!" Sabi kong muli at tsaka ko nanaman sinubukang makawala sa kanya ang kaso ay hindi na ako nito pinakawalan pa.
"I'll send you home" pakiusap niya sa akin.
"No!" Laban ko sabay hila ng aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak pero mas malakas siya sa akin.
"Please Maria, hindi ko sinasadya...ok sige, i'll make it up to you" pagsuko niya.
Kaagad akong napatigil, damn this man. Mata lang talaga ang walang latay! Lintik lang ang walang ganti.
"Send me home, now!" Sigaw ko sa kanya at tsaka padarag na binawi ang aking kamay sa kanya at tsaka ako nagmartsa papunta sa kanyang sasakyan.
Masama ang tingin ko sa may kalsada, lalo pa't gutom na din ako. "Shit" I curse ng maipit kami sa traffic.
Kita ko sa aking peripheral vision ang pagbaling sa akin ni Alec, wala akong balak na kausapin o tingnan man lang siya. This is going to be the last time na magkikita kami.
"Maria..." malumanay na pagtawag niya sa akin.
Hindi ko siya binalingan. "Idaan mo sa drive thru, nagugutom na ako" seryosong sabi ko sabay turo duon sa fastfood na nakita ko.
Hindi naman na nagsalita pa ang Alec, kaagad niyang iniliko ang sasakyan para makaorder ako ng aking gustong pagkain.
"What do you want?" Tanong niya sa akin.
Pinilit kong iniwansan ang gawi niya kaya naman diretso ang tingin ko duon sa may kumukuha ng order.
"One monster burger, a extra large fries and a large coke" mabilis na sabi ko dito at tsaka kaagad umayos ng umupo at muling nakipagtitigan sa kalsada.
Dahil sa frustration ay gusto kong kumain ng foods rich in calories, hindi ko alam pero ganuon talaga ako pag nafrufrustrate not the usual me, in a healthy diet.
"How about you, Sir?" Tanong sa kanya nung babae na halata namang nagpapacute. Saksak mo sa baga mo Ate girl!
"I'll just take the large coke" sabi nito kaya naman napataas ang kilay ko.
Kaagad kong kinuha ang isang libo sa aking pouch.
"Here" mataray na sambit ko na kaagad namang sinalag ni Alec para pigilan.
"Ako na" sabi nito sabay abot ng kanyang pera.
"Edi ikaw!" Inis na sabi ko at muling napaayos ng upo. Pagkakuha namin ng order ko ay kaagad akong sumubo ng fries ng sunod sunod.
"Saan mo ako dadalhin!?" Akusa ko sa kanya ng makita kong hindi iyon ang daan pauwi sa amin.
"I'll let you unwind" maiksing sambit niya kaya naman hinayaan ko na lamang siya.
BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...