Sobrang sayang makasama ang mga pinsan ni Alec. Maiingay sila at halatang close na close talaga. Napangiti ako sandali ng isiping sila ang magiging pinsan ko habang buhay. Habang kasal kami ni Alec.
Pero kaagad din iyong naglaho ng maalala ko kung ano ba talaga ang aking pakay dito. Umaapaw na ang guilt sa aking buong katawan. Hindi naman kasi talaga maiiwasang pumasok iyon sa aking isipan gayong ngayon ay buong buo na talaga ang aking desisyon.
"Masungit ba sayo si Kuya Alec?" Tanong sa akin ni Elaine. Mas matanda ito sa akin ng isa o dalawang taon, pero nalaman kong siya ang tinuturing na baby ng lahat, dahil sa pagiging pinakabunso sa kanilang magpipinsan.
Kaagad akong napangisi at mabilis na napatango dahilan para mapatawa ito. "Ganun talaga yun...pero ang sweet niya diba?" Sabi niya na may halong pangaasar sa akin kaya naman napanguso na lamang ako para itago ang aking tunay na nararamdaman.
"Kitang kita ko na gustong gusto ka talaga ni Kuya Alec, kahit mas bata ka sa akin...suportado pa din namin kayong dalawa kasi nakita naming nagiba si Kuya Alec" nakangiting sabi niya pa sa akin.
Sobrang bait nilang lahat. Hindi ko na feel na first time ko silang nakasama. Lahat approachable, hinding hindi ka maaaout of place sa kanila kasi hindi nila hinahayaang natatahimik ka.
Busy ako sa pakikipagkwentuhan kay Elaine ng lumapit sa amin si Clark. Nakangisi itong nakatingin sa akin bago niya natatawang inabot ang kanyang cellphone.
"Lagot ka, matulog ka na daw" pangaasar niya sa akin kaya naman kaagad akong napanguso. Wala na akong nagawa kundi ang kuhanin ang cellphone niya at sagutin ang tawag ni Alec.
"Hello..." sambit ko.
Halos manginig ang aking buong kalamnan ng marinig ko ang kanyang boses. Ilang oras pa lang simula ng huli naming pagkikita ay parang miss na miss ko na siya.
"What are you doing?" Malambing na tanong niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa kanyang boses.
Sa pagkakaalam ko ay biglaang trabaho ang pinunta niya sa Cebu kaya naman siguro ganito na lamang ang nangyari sa kanya na pati sa kanyang boses ay ramdam mo ang pagod niya.
"Ito, kumakain" pinilit kong magtunog masungit para naman maitago ang tunay kong nararamdaman.
Rinig na rinig ko ang mumunti nitong paghalakhak sa kabilang linya. "Did you enjoy their company?" Tanong pa nito sa akin.
Napatango ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. "Yup! Masarap silang kasama" sagot ko sa kanya.
"So hindi mo ako na mimiss?" Mapangasar na tanong niya sa akin na ikinairap ko na lang.
"Mr. Alec Herrer baka nakakalimutan mong magkasabay tayong nagbreakfast kaninang umaga" mapanuyang sabi ko sa kanya na halos ikaikot ng eyeballs ko 360 degrees.
"Ramdam na ramdam ko nanaman yang pagirap mo" natatawang sabi niya kaya naman napanguso na lamang ako, gustong gusyo niya talaga na iniinis ako palagi.
"Sige na, matulog ka na...mukhang pagod na pagod ka" I am concerned for real pero pinilit kong magtunog walang gana habang sinasabi iyon. Mahirap na baka lumaki nanaman ang ulo ng isang ito.
"Ok na ako kasi nakausap na kita" malambing pero seryosong sabi niya pa sa akin kaya naman halos gusto ko ng ibato ang hawak kong cellphone dahil sa kakaibang nararamdaman ko sa aking dibdib.
"Tse! Tigilan mo ako, ang corny neto...sige na nga bye!" Paalam ko sana sa kanya ang kaso ay sandali pa ako nitong tinawag.
"Maria...I love you" diretsahang sabi niya na ramdam na ramdam ko ang sincerity duon ang kaso ay sobra sobrang pagkabigla ang aking naramdaman.
BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...