Days, weeks and months passed by so fast. I became so thin, halos bumagsak ang katawan ko. Normal daw iyon dahil lima kami ang naghahati hati sa nutrisyon ng mga pagkaing kinakain ko. I feel so weak kaya naman kung minsan ay nakahiga na lamang ako sa kama buong araw. Halos hindi ko na nga magawang tumayo dahil hindi ko kayang buhatin ang katawan ko. My tummy became so big. Literally big na hindi ko inaasahan na may ilalaki pa pala iyon.
"Good morning" nakangiting bati sa akin ni Alec pagkapasok niya sa kwarto. May dala dala itong tray ng pagkain.
"Good morning" nakangiting bati ko din sa kanya, at tsaka ko sinubukang umayos ng pagkakaupo.
Inilapag ni Alec ang dalang pagkain sa may lamesa sa may veranda sa aming kwarto. Duon na kasi kami kumakain lalo pag hindi ko kayang bumaba sa may dinning dahil sa aking kalagayan.
"Come, let me help you" malambing na sambit ni Alec sa akin pero hindi niya tinanggap ang aking kamay bagkus, kagaya ng palagi niyang ginagawa. Binubuhat niya ako ng parang bagong kasal. Kaya naman minsan ay mapapatawa na lamang kaming dalawa.
"Hindi ka ba nabibigatan sa akin?" Tanong ko sa kanya while caressing his face. Gustong gusto kong hawakan ang mukha ni Alec dahil nakikiliti ako sa mga patubong buhok sa kanyang panga.
"I will never get tired of you Maria" malambing na sambit niya bago niya ako hinalikan sa pisngi.
Nagsumiksik na lamang ako sa dibdib ni Alec. Hanggang sa makarating na kami sa may veranda. Maging sa pagpapaupo nito sa akin ay maingat na maingat siya.
"You look so old with that, you should shave" payo ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang kanyang gwapong mukha.
Bigla tuloy naging conscious ito sa kanya mukha at napahawak sa kanya baba. "Am I?" Tanong niya sa akin na walang sabi sabi ko namang tinanguan.
Napapabayaan na ni Alec ang kanyang sarili dahil sa pagaalaga sa akin. Palagi na lang ako, ako ang inuuna niya, ako ang inaalala niya. Minsan nga ay muntik na silang magaway ng Daddy niya dahil kahit anong mangyari hindi siya aalis ng bahay para puntahan ang companya nila.
Alec became true to his words na hinding hindi siya aalis sa tabi ko kahit anong mangyari.
Pagkatapos ng paguusap na iyon, muli nanaman kaming natahimik. Katahimikan na hindi ko alam kung nakakabuti sa aming dalawa o mas nakakasama. Sa bawat minuto na pinakikiramdaman lang namin ang isa't isa. Unti unting nadudurog ang puso ko, bumibigat ang aking damdamin.
Gusto ko na minsang maiyak at itanong sa kanya na kung paano kung ito na ang huling araw ko. Paano kung ito ang huling beses na maimumulat ko ang aking mga mata at makikita ko siyang bumabati sa akin.
"What are you thinking?" Basag niya sa aming katahimikan ng mapansin siguro niyang masyado ng lumalalim ang aking iniisip.
Napailing iling ako sa kanya at tsaka pinagpatuloy ang aking pagkain. Masama ang aking pakiramdam kung tutuusin, pero ang mga ganuong simpleng bagay ay hindi ko na sinasabi pa kay Alec dahil normal naman iyon, ayoko na magalala pa siya sa akin. Alam kong hirap na hirap na din siya.
"Gusto kong mag mall, gusto kong mamasyal. Pero ang panget ko na" malungkot na sabi ko dito.
"Sinong nagsabi?" Galit na tanong niya sa akin kaya naman imbes na matakot ay natawa pa ako.
"Sabi ko, nakikita ko sa salamin" sagot ko sa kanya kaya naman napatiim bagang ito.
"Hindi iyon totoo Maria" sabi sa akin ni Alec pero napanguso na lamang ako at tsaka pinagpatuloy ang aking pagkain.
BINABASA MO ANG
Too Young to be Married (Hard Fall Series#3)
Romance"Walang mangyayaring kasalan!" Asik sa akin ni alec. Napairap ako sa kawalan at kaagad na padabog na tumayo sa sofa na kinauupuan ko. "I want to be your wife..." paglalambing ko sa kanya dahil baka sakaling madaan ko siya sa ganuong usapan. "You jus...