Transfer
"Baby..." Pilit kong hindi pinapansin ang pagtawag sa'kin ni Mama. Nagtatampo ako sa kanya.
"Caius naman... sorry na kung nag lihim ako. Baka kasi hindi mo kami matanggap." Humarap ako kay Mama. Kunot noo ko siyang tinignan.
"Mom, hindi ako nagagalit ng dahil 'don, naiinis lang ako kung bakit hindi ka nagsabi sa 'kin na pumunta ka sa school ko para kausapin ang principal at ipa-transfer ako?" Tumaas konti ang boses ko. Yumuko si Mama.
"Sorry na, anak. Baka kasi tumanggi ka kaya ginawa ko na agad yun." Napaismid ako.
"Alam mo naman pala na hindi ako papayag, bakit ginawa mo pa, Mom?" Hindi sinasadyang napataas ang boses ko.
"S-Sinisigawan mo si Mommy?" Humarap si Mama sa 'kin. Namumula ang mga mata at ilong nito. Guilt flooded on me.
Huminga ako ng malalim at bahagyang tumungo. "I'm sorry, Mom. Hindi ko sinasadya. Bakit kasi kailangan mo pa akong ipa-transfer? Bakit kailangan pa nating lumipat? Alam mo naman na madami akong kaibigan dito 'di ba?" Sunod-sunod na tanong ko.
Single mother lang kasi si Mama. About my father? Nevermind. Last week nalaman ko na may kasintahan na nga si Mama at engaged na daw sila. Syempre nagulat ako 'don at the same time natuwa kasi hindi na malulungkot si Mama. Tapos nasabi nalang sa'kin ng teacher ko na mag ta-transfer na daw ako at nalaman ko nga na pumunta si Mama sa school ko at kinausap ang principal. Nainis at nagtampo ako 'non tapos yung mga kaibigan ko pa nagalit sa 'kin dahil hindi ko sinabi. Bukas pa ako mag e-explain sa kanila.
"Kasi si Tito Reighan mo, sa Manila nakatira. At nandoon ang business niya, ayoko naman siyang mahirapan na bumiyahe araw-araw para makita ako." At kinilig pa nga si Mama, napailing ako.
"Marami siyang inaasikaso, kaya nag suggest siya na kung pwede doon na lang tayo tumira sa bahay niya sa Manila. Hindi niya daw kasi kayang hindi ako nakikita ng kahit isang araw." Dagdag niya pa. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa kakulitan ni Mama. Namumula ang pisngi niya at kumikinang pa ang mga mata niya. Mahal niya talaga si Tito Reighan.
"Pero Mom, pwede naman po akong mag stay dito 'di ba?"
"Pwede naman, kaso hindi ko kayang hindi kita kasama eh. At saka ayaw kong nag iisa ka dito. Ayaw mo bang kasama si Mommy?" Hindi ko mapigilang mapa-irap. Nagpapa-awa na naman siya.
"I didn't mean that." Bumuntong hininga ako. "Okay, fine. Pumapayag na ako." Labas sa ilong kong sinabi. Bahala na kung anong mangyayari kasunod nito.
"Yes! I love you, anak!" Binigyan niya ako ng isang mabilisang halik sa ulo ko at kinuha ang cellphone niya. Naglakad siya papuntang kwarto habang nag da-dial. Siguradong tatawagan niya si Tito. Napailing-iling na lang ako habang kumakain ng chiffon cake na nasa mesa.
Naisipan kong i-message ang mga kaibigan ko kaya kinuha ko ang phone ko at nag simulang mag type:
Ako:
Guys, let's meet up. Mag e-explain ako.I hit send. Sana pumayag sila, para kasing hindi ko kaya ang magkagalit kami, gayong paalis na ako.
Chloe:
I'm busy. Bukas na lang.Nathaniel:
I'm busy! Kasama ko si Bebe Chloe!Casthaniel:
Tomorrow.Napailing nalang ako sa reply nila. Halatang galit nga sila. Anyway, papasok naman ako bukas kaya siguro bukas ko narin sila kakausapin.
Nathaniel and Casthaniel Castro is a Identical twin. Bihira lang ang nakaka-kilala kung sino si Nathan at Casthan sa kanila. Pero kapag nakilala mo na sila ng lubusan, magiging madali na lang sayo ang matukoy sila. Si Nathan ay may nunal sa ilalim ng mata, happy-go-lucky at may pagka-bipolar. Si Casthan naman ay masungit. As in masungit, ni hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti sa loob na apat na taong pagkakaibigan namin. He is a cold guy. Pero ang mga mata niya ay laging may pagka-pilyo. Magkamukha nga sila pero magkaibang magkaiba ang ugali nila.
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...