The Friends
I cover my mouth and yawn while walking in the school ground. Inaantok pa ako. Buti na lang at ginising ako kanina ni Mama, kung hindi ay baka hindi ako nakapasok ngayon at mas lalo akong mahihirapan makapag-explain sa mga kaibigan ko.
Pagkapasok ko ng classroom ay agad akong sumalampak sa upuan ko. Tinignan ko ang mga kaibigan ko na hindi pinapansin ang presensya ko. I sighed.
Galit parin sila.
May'ron tig da-dalawang upuan sa bawat row, nasa hulihan kaming apat pero may space sa gitna. Bale nasa may tabi ako ng bintana tapos katabi ko si Casthan, kaunting space at ang upuan na ng mag couple.
"Casthan.." Tawag ko sa tabi ko. Tinignan niya lang ako gamit ang malamig niyang mata. I cleared my throat.
"Uhmm... g-galit ba kayo sa'kin?" I can't help myself from stammering. There's something in his gaze or should I say stare.
"Ask them." Malamig na sabi niya at iniwas ang tingin sa'kin. Dumating na ang proffesor namin at nagsimula ng magturo.
Nakatulala lang ako sa white board kung nasaan nagtuturo at nagsusulat ang Prof. namin na hindi ko maintindihan dahil lutang nga ako. Pero napapansin ko ang laway niya tumatalsik habang nagsasalita, hindi ko alam kung ilang oras lang ako nakatunganga 'don, naramdaman ko nalang na may kumalabit sa'kin.
"It's already lunch break." Malamig na boses ni Casthan ang nagsabi sa'kin, tumango na lang ako at kinuha ang bag kong hindi nagalaw. Sinakbit ko yun sa balikat ko at sumunod kay Casthaniel.
Bumaba kami ng canteen at dumiretso kung saan kami palagi kumakain. Nandoon na ang couple na naghaharutan pero ng makita nila ako ay nagseryoso sila. Umupo kami ni Casthan sa harap nila. May'ron ng pagkain sa mesa at bawas na yung kanila.
"Now, talk." Sabi ni Chloe at umirap sa'kin. Nag buntong hininga ako.
"'Alam niyo na siguro yung tungkol sa pag tranfer ko 'di ba?" Panimula ko.
"Duh! Kahapon pa!" Singit ni Chloe. Napayuko ako.
"H-hindi ko din kasi alam--"
"Imposible naman yan Cai." Si Nathan naman ang sumingit. I cleared my throat.
"P-pero hindi ko nga talaga alam, Nathan, nagtanong ako kahapon kay Mama. At sabi niya kaya siya pumunta sa Principal natin at ipa-transfer ako, dahil sa Manila na daw kami titira at kung saan ako mag-aaral. Nan--"
"Pero pwede namang hindi ka pumayag 'diba?! Pwede ka namang mag stay dito?!" Sigaw ni Chloe kaya nagtinginan ang ibang estudyante sa pwesto namin.
"Let him end his explanation Chloe. Wag ka munang sumingit." Ani ni Casthaniel sa mababang boses kaya namutla si Chloe.
"Sinabi ko din yan kay Mama, Chloe. Kaso ayaw niya dahil wala daw akong kasama dito at gusto niya kumpleto kami 'don. Nandoon kasi ang business ni Daddy Reighan at ayaw ni Mama na mahirapan siya na magpabalik-balik dito. Sana maintindihan niyo, guys." Humarap ako sa kanila. Wala na ang galit na expression sa mukha ni Chloe. Tumango-tango naman si Nathan. As usual walang imik si Casthan.
"Okay, so kailan ang alis mo?" Tanong ni Chloe.
"S-Sa linggo na.."
"What?!"
"Bakit ang bilis naman, Cai?" Sabi ng nasa gilid ko.
"Next, next week na kasi ang pasukan doon, Casthan. At dahil transferee ako ay madaming aasakasuhin. I have only one week. Kaya kailangan na naming maka-uwi 'don sa linggo." Sagot ko sa kanya. Nagtaas lang siya ng kilay at nag iwas ng tingin. Sungit!
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
Ficción GeneralUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...