Goodbye
Graduation day. Dapat masaya ako ngayon dahil sa wakas ay tapos na ang paghihirap ko sa pag aaral. Ngunit hindi, parang gusto kong sumpain ang araw na ito at hilingin na sana hindi na lang dumating araw na ito.
Ayokong pumunta ngunit ito ang araw na pinakahihintay ng aking magulang. Lalo na si Mama.
Habang pinagmamasdan ko ang masasayang mukha ng mga kaklase ko at ng mga school mate ko ay kinakain ako ng inggit.
Sana ganyan din ako kasaya at kasigla. Tapos yung pinoproblema lang ay kung saan school mag e-enroll para mag college at kung ano ang course na kukunin nila.
Kaso hindi, imbes na masaya ako para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Nangangawit narin ang aking bibig sa mga pekeng ngiti na iginagawad ko sa kanila tuwing binabati nila ako.
Paniguradong namumula na din ang mata ko dahil hindi ako natulog kagabi. At dahil narin sa pagpipigil ng aking luha.
Alam kong napapansin iyon ng Mama ko dahil ilang araw pagkatapos ng date namin ni Gaze ay lagi akong tulala at wala sa sarili. Minsan nahuli pa ako ni Mama na umiiyak sa kwarto kaya tinanong niya ako ngunit wala akong sinagot kundi ay umiyak na lang habang yakap niya.
"Gaea Zeus Dark..." Tuluyan na akong naluha ng tawagin sa stage ang mahal ko. Para akong tangang naiiyak habang tinititigan siyang umaakyat sa stage habang may malawak na ngiti.
Dumiretso ang titig niya sa akin ng humarap siya sa'min. Bahagyang nagbago ang timpla ng mukha niya ng makita akong umiiyak.
I mouthed 'I'm so proud of you' na nagpabalik ng ngiti niya. Pinagtitinginan na ako ng ibang mga estudyante dahil sa sobrang pag iyak ko. Pero wala akong pake sa kanila.
Umiiyak ako dahil may parte sa aking masaya dahil graduate na siya. Ngunit mas lumalamang ang sakit na nararamdaman ko.
Sakit dahil mamaya ay ako ang magiging dahil kung bakit mabubura ang mga ngiti niya ngayon. Sakit dahil masasaktan ko siya ng sobra at sakit dahil ito na lang huling araw na magkakasama kami.
"Caius Hera Xaveria..." Pinunasan ko ang luha ko at pinilit na ikanalma ang aking sarili bago tumayo. Ibinalik ko ang aking pekeng ngiti.
Pinilit kong patigasin ang tuhod ko dahil para akong babagsak habang naglalakad ako, nanlalambot kasi ng sobra ang tuhod ko. Lalo na at alam kong nakatitig sa akin ang demonyong ama ni Gaze.
Dahan - dahan akong umakyat sa stage at nakasalubong ko agad ang nakangiting mata ni Gaze. He mouthed 'I love you' to me but I can't smile in return.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang aking luha na nagbabanta na naman sa pagtulo.
Nanginig ang labi ko ng nagpasalamat ako sa nag abot sa'kin ng diploma. Pinakita ko sa pamilya ko ang diploma at nakita kong umiiyak si Mama dahil sa saya.
Sinalubong nila ako ng yakap pagkababa ko. Pinilit kong ngumiti para makisabay sa saya nila.
Dumapo ang tingin ko kay Gaze na masayang kausap ang ama niya at ang babaeng nakita ko noon sa kwarto niya.
Pinipiga ng sobra ang puso ko habang tinitignan silang masaya at kapag sumasagi sa isip ko na mas bagay silang dalawa, mas perpekto tignan sa mata ng ibang tao ang lalaki at babaeng nagmamahalan. Kesa sa dalawang lalaki na pandidirihan lang at tinitignan bilang salot sa lipunan.
Pinupuno ang pagkatao ko ng inggit dahil sa naiisip ko ngayon na marami palang bagay na hindi ko maibibigay at magagawa katulad ng sa babae. Isang malaking halimbawa noon ay mabigyan si Gaze ng anak. At alam ko isa sa mga pangarap ng lalaki katulad ko ay magkaroon ng sariling anak. Ngunit iyon ang pinaka imposibleng bagay na maibibigay ko kay Gaze.
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...