Chapter Forty One

25.1K 725 35
                                    

Childish

Ang katanungan ko ay dala dala ko parin kinabukasan. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon ang inakto niya sa akin. May nagawa ba ako? O... dahil kasama niya si Cyrene kaya niya ako hindi pinansin?

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang binubuksan ang pinto ng opisina. Naabutan ko siyang nakatitig sa laptop at kunot ang noo. Alam kong alam niya na nandito ako pero hindi niya man lang ako binigyan ng kahit sulyap lang. Sinubukhan kong tumikhim para mapansin niya kaso no effect.

"Good morning, Mr. Zeus." Sabi ko, sinusubukang kunin ulit ang atensyon niya.

Bumagsak ang balikat ko ng hindi man lang siya gumalaw sa inuupuan niya. Umupo na ako at sinubukan mag trabaho ng maayos. Kaso hindi talaga ako mapakali.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin, umiwas agad siya ng tingin ng mahuli ko siya. Sinupil ko ang ngiti ko at tumikhim.

"Do you want coffee, Mr. Zeus?" Malambing kong sabi. Kita ko kung paano kumunot ang makinis niyang noo.

"I don't want." Malamig niyang sabi. Ngumuso ako at hindi na nakapag pigil. Tumayo ako at nag lakad papunta sa kanya.

"Do we have a problem, Gaze?" Seryosong tanong ko. Umangat ang tingin niya sa 'kin at pinukol ako ng masamang tingin.

"Mr. Zeus not Gaze. We are in the middle of work, try to be professional." Matigas niyang sabi. Natigilan ako at unti unting kinain ng hiya at sakit.

Tumungo ako. "I... I'm sorry..." Ani ko at bumalik sa upuan ko.

Try to be professional? Bakit? Hindi ba ako ganon? Kaya ba tawag niya sa'kin ay stupid secretary kasi unprofessional ako? Gusto ko lang naman malaman kung may problema, kung bakit hindi niya ako pinapansin. Kung bakit parang nakalimutan niya ang nangyaring iyakan sa amin dalawa nung nakaraang gabi.

"Damn!" Agad napatingin ang nanlalabo kong mata kay Gaze na nagmura. Kumurap kurap ako para masiguradong naglalakad siya palapit sa akin.

Napasinghap ako ng sapuin nito ang mukha ko at hinalikan ako ng mariin. Tulala ako hanggang sa matapos ang mapag parusa niyang halik.

Pinatayo ako nito at wala sa sariling nagpatianod habang dinadala niya ako sa mesa niya. Umupo siya sa kanyang swivel chair at pinaupo ako sa kandungan niya. Doon lang nagising ang aking diwa.

"M-Mr. Zeus?" Taka kong tawag. Bumuntong hininga ito at inilagay ang braso niya sa bewang ko. Tumingala ito sa akin.

"I'm sorry." Panimulang sabi niya. "Sorry kung hindi kita pinansin kagabi at ngayon. Naiinis lang kasi ako sayo."

Lumunok ako. "O-Okay lang," Ani ko at pinipilit na alisin ang pagkakaupo ko sa kandungan niya.

Hinigpitan nito ang yakap. "No, it's not okay, I can see it in your eyes." Lumamlam ang mata niya. "I'm sorry, baby. I'm just pissed because you leave that morning, hindi mo man lang ako ginising para maihatid kita. Alam mo ba kung gaano ako natakot 'non? Parang bumabalik ulit sa akin ang pang iiwan mo. You didn't even leave a message for me, I'm so goddamn worried and scared and then I saw you outside your house, laughing with your Mom like you didn't leave me in my office."

Natigilan ako. Oo nga pala, sinabi ko sa kanya noon ay babalikan ko siya kaso namasyal kami ni Zeuseth kaya nakalimutan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kasama ko ang anak niya noong araw na iyon. Hindi pa kasi ako handa, natatakot ako. Bibigyan ko muna ang sarili ko ng panahon para magkaroon ng lakas ng loob.

"Are you mad?" Bumalik ang tingin ko kay Gaze na may pag aalala sa mata.

Umiling ako. "I'm sorry too. Dapat babalikan kita kaso nakalimutan ko dahil may ginawa akong importante." Nakita ko ang galit na dumaan sa mata niya.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon