Chapter Twenty-one

26.7K 817 41
                                    

Date

"Where are we going?" Tanong ng nasa tabi ko. Nasa kalagitnaan kami ng traffic ng matanong niya iyon. Ngumuso ako at nag-isip.

"Saan mo ba gusto?" Lumingon ito sa'kin at tinaliman ako ng tinggin.

"You're asking me? Really?" He said in a sarcasm tone. Lalong humaba ang nguso ko.

"I'm sorry!" Hinging paumanhin ko. "Hmm.. mall? Are you fine with it?"

"It's fine as long you're with me." Sagot nito kaya ngumiti ako.

"Cheesy!" Tukso ko, sinamaan ako nito ng tingin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. Green light na pala.

"Sige, sa mall nalang tayo." Sabi ko ngunit hindi niya ako kinibo.

Nang makapag-park na siya ay sabay kaming bumaba. Gusto ko man hawakan ang kamay niya ay hindi ko magawa dahil marami kasing tao. Hindi parin ako pinapansin nito at naunang maglakad sa'kin papuntang entrance ng mall.

Nakanguso ako habang sumusunod sa kanya pero nagulat ako ng tumigil ito, muntik pa akong mabangga sa malapad niyang likod. Hinawakan nito ang kamay ko na ikinagulat ko, pinagtitinginan kami ng tao kaya tinanggal ko ang kamay ko. Humarap ito sa akin at sumimangot.

"Hold my hand!" He hissed. Umiling ako at ikinalat ang tingin sa paligid. Mukhang nakuha niya ang sinabi ko dahil mas lalo siyang sumimangot.

He looked at me, disappointed and hurt. "Ikinakahiya mo talaga ako." Malamig na sabi niya sa'kin at tinalikuran ako. Napatulala ako saglit at agad din humabol sa kanya.

"Gaze!" Tawag ko dito ngunit hindi niya ako pinansin. Lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa guilt. Gustong kong suntukin ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Bakit kasi iniisip ko ang sasabihin ng iba?

Tumakbo ako hanggang sa maabutan ko siya. Hinihingal na hinawakan ko ang kamay niya at parang piniga ang puso ko ng alisin niya agad iyon at mas binilisan pa ang lakad.

Napatigil ako at sinundan siya ng tingin. Nakita kong papasok siya ng C.R. Huminga ako ng malalim bago sumunod sa kanya, kanina pa ako pinagtitinginan pero wala na akong pake.

Nang pagkapasok ko ay walang ibang tao, si Gaze lang ang nandoon at naghuhugas ng kamay. Alam kong naramdaman niya ang presensya ko ngunit hindi niya talaga ako pinapansin. Kinagat ko ang labi ko bago lumapit sa kanya, niyakap ko siya sa likod pero nararamdaman ko pa din ang panlalamig niya.

"Sorry na..." Malambing na sabi ko bago idikit ang ulo ko sa likod niya. Hindi ko mapigilan mapapikit ng maamoy ko ang pabango niya. Napadilat din ako ng marahas niyang tanggalin ang pagkakayakap ng braso ko sa kaniya.

"You know what, Caius? Sana hindi mo nalang ako niyaya dito kung ganyan ka lang." Malamig na sabi niya. "Nag-aalala ka sa sasabihin ng ibang tao pero hindi mo inaalala ang nararamdaman ko tuwing iniisip kong kinakahiya mo ako." Punong hinanakit na dagdag niya.

Nag-init ang sulok ng mata ko bago siya niyakap ulit sa likod. Sinubsob ko ang mukha ko sa likod niya bago suminghot.

"I'm so sorry, love." Yun lang ang nasabi ko, hindi ko madagdagan ng dahilan dahil baka mas lalo lang siyang magalit at umulit na naman kami sa pinagusapan namin kanina. 

Tumingkayad ako at hinalikan ang batok niya. "I'm sorry... promise 'di na po mauulit." Humarap ito sa'kin at inilagay ang kamay sa bewang ko ngunit hindi parin nagbabago ang malamig na mata niya. Ngumuso ako bago isinabit ang dalawa kong braso sa leeg niya.

"Galit ka pa? Hmm?" Malambing na tanong ko bago siya dampian ng halik at tinitigan siya, kung kanina ay nanlalamig ngayon ay mapupungay na ang mata niya na nakatitig din sa'kin.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon