Explanation
Kinabukasan ay lumamig ang tungo ko sakanya. Tipid na akong magsalita, at kung magtatanong lang siya ay doon lang ako magsa - salita. Hind ko narin siya tinitignan pero kitang kita ko ang paninitig niya akin sa gilid ng aking mata.
"My schedule please..." Kumunot ang noo ko sa lambing ng boses niya.
Hindi ako lumapit sa desk niya at nanatili lang sa lugar ko. "Meeting again with the La mòrè University, that you cancelled yesterday, at 10 am. That's all."
"Can you repeat it? I can't hear you..."
Huminga ako ng malalim at nilakasan ang boses ko. "Meeting with the La mòrè University at 10 am."
"What?" Rinig ko ang pang aasar niya sa tono na iyon.
Nilabanan ko ang sarili na samaan siya ng tingin. "Meeting with the La mòrè University in 10 am!" Tinaasan ko ang boses ko.
"Are you shouting at me, Mr. Xaveria?" Nanlilisik ang mata kong napatingin sa kanya.
"Of course not!" Sigaw ko. I can see a smile on his lips.
"Really?" Napasabunot ako ng buhok at padabog na nagmartsa palapit sa kanya.
"Your schedule for today is just a meeting with the La mòrè University at 10 am." Mas mahinanon kong sabi. Humilig siya sa upuan niya at pinagmasdan ako na nakatayo.
Uminit ang pisngi ko sa klase ng titig niya kaya iniiwas ko ang tingin ko.
"Can you massage me again?" Tanong niya.
"No."
"Why?"
"Because I don't want."
"Why?"
"I said I don't want! I don't want to massage you! Isn't that enough reason?" Iritado kong sabi. Humalakhak siya kaya tumalikod na ako at bumalik sa desk ko.
Kunot na kunot ang noo ko habang nagtatrabaho. Nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.
My phone alarmed because it's already 10 am. Nag angat ako ng tingin sa kanya at napataas ang kilay ko na naglalaro lang ng cellphone ang mokong.
Tumikhim ako. "Mr. Zeus, it's 10 am."
"So?" Aniya na hindi tumitingin sa akin.
"You have a meeting." Madiin kong sabi.
"So?"
"And you need to attend it."
"I don't want." Parang bata niyang sabi. Pinigilan ko ang inis ko at lumapit sa kanya.
"Please, Mr. Zeus..." Pinalambing ko ang boses ko. Natigil siya sa paglalaro at napanguso, nagpipigil ng ngiti.
"Okay," Nakahinga ako ng maluwag. "But in one condition." Dahil 'don ay sinamaan ko na siya ng tingin.
Pinasadahan ko ng kamay ang daliri ko. "What is it?"
"Kiss me." Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
"Seriously?!" Agad itong tumayo at inilapit ang mukha sa akin. Napaatras ako ng mukha. Napalunok ako habang tinititigan niya ang mata ko.
Biglang naging blangko ang mukha niya at napalitan ng galit ang kanina'y mapaglarong mata.
Tinulak ako nito kaya napaupo ako sa sakit. "Of course not. It's so fucking disgusting." Matigas niyang sabi at kinuha ang coat bago lumabas ng opisina.
Napatawa ako ng peke at tila nababaliw.
What the fuck happened?
Bago ko pa napigilan ay biglang bumuhos ang luha ko. Marahas ko iyong pinunasan at tumayo, napangiwi pa ako sa sakit ng pang upo ko.
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...