Chapter Thirty Three

20.7K 673 210
                                    

Fake and lies


Gaze,
   Sa pamamagitan ng sulat na ito ay sasabihin ko sayo ang totoong nararamdaman ko.

  Hindi kita mahal at hindi kita minahal. Sinubukan ko lang kung paano magkaroon ng karelasyon na kapwa lalaki. I felt disgust and excitement at the same time.

  Ito din ang ibang way ng paghihiganti ko sayo, dahil sa mga ginawa mo. Ang pamba-blackmail at ang pambubugbog mo sa akin.

Ang sarap mong tignan habang tuwang tuwa ka sa ginawa kong panloloko sayo at pangga - gago sa isang katulad mo.

Napakadali mo palang utuin 'no? Nakakatawang isipin na ang kinakatakutan ng iba ay naloko lang ng isang binata na taga probinsya.

Nakakadiri ka. Nandidiri ako pag nilalapitan mo ako at nilalambing, pag niyayakap at hinahalikan mo ako. Lalo na ang pagsisiping natin.

Minsan gusto kong sumuka sa kalagitnaan noon, kaso, oo nga pala, paghihiganti nga pala 'to. Kaya titiisin ko ang pandidiri na ginagawa mo sa akin. Pati na ang mga pekeng ginagawa ko sayo.

Pati na ang pagsabi ko sayo na ikaw lang ang minahal ko. It's a lie, it's a big lie. Katulad mo ay fuck and go ako. At kapag wala ka sa tabi ko. Palihim ako pumupunta sa mga bar at naghahanap ng babae. And guess what I'm doing with them? Yeah, I'm fucking them! Mas masarap sila kasama sa kama kesa sayo.

Pero ngayon, tapos na ako sayo. Tatapusin ko na ang nakakadiring relasyon natin. Sayang at hindi ko makikita kung paano ka masasaktan ng sobra dahil umalis na ako at sumama sa totoong mahal ko.

Habang ikaw ay nasasaktan at umiiyak, ako naman ay tuwang tuwa kasama ang girlfriend ko. Nagpapakasarap at nagpapakasaya.

Kung ako sayo, maghanap ka na ng iba at kalimutan mo na ako. Pero mag ingat ka dahil baka maloko ka ulit.

At saka ito pa pala, salamat sa mga efforts mo 'ah? Doon lang ako natuwa sayo.

- Caius Hera

Naaalala ko kung paano ako nagpigil ng iyak habang isinusulat iyon. Kung paano winawasak ang puso ko habang nagsusulat. Gusto ko na ngang uminom ng holy water 'non dahil sa mga kasinungalingan na isinulat ko doon. Hindi ko ma - imagine ang reaksyon ni Gaze habang binabasa iyon. Sigurado akong magwawala iyon.

Kailangan ko kasing gawin iyon para tuluyan na niyang maisip na nagkamali siya sa akin. Nag effort pa ako para doon sa mga pictures na kasama 'non. Naghanap pa ako kung sino ang pinakamagaling mag - edit ng pictures, yung totoong totoo at kapani-paniwala. Pati ang video ko na may kasamang babae. Yes, it is a fake video. Hindi ko alam kung paano ginawa iyon pero nang mapanuod ko ay parang gusto kong masuka dahil kitang kita doon na ako nga iyon na kasama ang babae at gumagawa ng hindi kaaya - ayang eksena.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at sumandal sa upuan ng eroplano. Ayoko ng umiyak, pagod na pagod na ako. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang nasasaktan na mukha ni Gaze ay nanghahapdi ang mata ko. Lumalabas na naman ang mga luha na hindi maubos ubos. Kinagat ko ang labi ko at minulat ang nanlalabong mata. Pinunasan ko iyon at humugot ng malalim na hininga.

Tumulala lang ako sa labas ng eroplano, tinititigan ang langit. Hanggang sa marinig ko na lang ang pagsabi ni piloto na malapit na kaming lumapag.

Inayos ko na ang gamit ko habang hinihintay ang paglapag ng eroplano. Nang makababa na ako ay lumakad ako ng konti papasok ng airport. Inikot ko ang paningin ko at napangiti ako ng makita ko siyang naghihintay at naglilibot ng tingin, na sa tingin ko'y ako ang hinahanap.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon