Chapter Twenty Five

27.9K 748 25
                                    

Promises

I'm in the middle of the class when I feel my phone vibrated. Hindi ko iyon pinansin at ngumuso lang.

Wala ako sa mood ngayon dahil hindi pumasok si Gaze. Hindi din siya nagtext kaninang umaga.

Nakahalumbaba ako habang nakikinig sa discussion ng teacher ko sa harap. Sumulyap ako sa katabi ko, si Chain na nakatulala.

Kinalabit ko siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko nang lumingon siya.

"Yeah," Malamig niya sagot at biglang napatigil. "Wait, do you know what's the name of the nerdy girl?"

Kumuno't ang noo ko. "Nerdy girl?"

"Yung laging kasama mo sa canteen."

"Si Brianna? What about her?"

Umiwas ito ng tingin. "Nothing. I'm just asking her name." Sandali akong napatitig sa kanya.

"Are you having a crush on her?" Gulat kong tanong, marahas itong lumingon sa 'kin. Kuno't na kunot ang noo.

"What?! Of course not!" Sigaw nito.

"Is there a problem, Mr. Mondigo?" Napalingon kami nang sabay kay Ma'am. Nakaramdam ako ng pagkapahiya ng makita ko silang lahat na nakatingin sa banda namin.

"Nothing, Ma'am..." Malamig ngunit nahimigan ko ang iritasyon sa kanyang sagot.

Tumango ito at nagpatuloy na sa discussion. Chain glared at me.

"What?" Inosente kong tanong. Umirap siya sa'kin at bahagyang tumalikod. Palihim akong natawa at humarap na sa black board.

Hanggang sa natapos ang klase ay hindi na ako nagsalita o umimik man lang. Nanggigil ako kay Gaze pero hindi ko maiwasan ang magalala. Ano na kayang nangyari 'don?

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng classroom. Wala sa sarili akong naglalakad palabas ng school. Nagvibrate ang phone ko, kinuha ko ito at nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ang pangalan ni Gaze. I read his message,

Gaze:
Meet me at the Glass Onion Restaurant after your class. Sharp.

Umirap ako sa kawalan at ibinalik ang phone sa bulsa.

So bossy...

Pumara na ako sa taxi at sinabi ang address ng restaurant na 'yon. Naka tulala lang ako sa labas habang bumabyahe. Ano na naman kayang plano ni Gaze?

Walang buhay akong bumaba ng taxi at nagbayad. Pumasok ako sa resto at kumuno't ang noo ko nang makita kong walang tao. Mayroon lang big round table sa gitna at dalawang upuan. May balloons sa gilid at blue and red rose petals sa sahig.

Dumikit ang tingin ko sa isang taurpaline na may nakasulat:

HAPPY THIRD MONTHSARRY, CAIUS HERA DARK!

Napatigil ako sa paglalakad at nanlaki ang mata. Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na ng biglang kumalat ang kanta sa paligid at ang boses ng mahal ko.

We'll do it all...
Everything...
On our own.

Tumitig ako sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at kumindat.

We don't need...
Anything...
Or anyone.

Uminit ang sulok ng mata ko, parang sasabog narin ang puso ko sa tuwa.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Hindi ko inaakala na ganito kaganda ang boses niya, malamig at parang inuugoy ang pandinig ko.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon