Chapter Twenty Nine

19.4K 652 55
                                    

Hurting

Sobrang maga ng mata ko kinaumagahan. Agad kong kinuha ang cellphone ko, umaasa na nag message si Gaze kaso wala.

Nanlulumo akong pumunta sa banyo at ginawa ang morning rituals ko. May pasok ngayon kaso parang gusto kong umabsent, pupunta muna ako sa hospital baka sakaling magkaroon ako ng peace of mind pag nakita ko ang kapatid ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng shorts at polo. Bumaba ako para magluto ng aking almusal. Pinilit kong kumain ng marami kahit na wala akong gana. Lalo na at magisa ako.

Pagkatapos maglinis ay lumabas na ako ng bahay, napagdesisyunan kong pumunta muna sa bahay ni Gaze kaya ayon ang ginawa ko.

Kinuha ko ang spare key ng bahay niya at binuksan iyon. Nalukot ang mukha ko ng makaamoy ako ng pambabaeng pabango. Agad akong kinabahan.

Tahimik ang bahay, dahan dahan akong umakyat sa kwarto ni Gaze at nakita kong may siwang 'don. Lumunok muna ako bago sumilip na pinagsisihan ko din sa huli.

May nakita akong babae sa kama ni Gaze, mukhang natutulog. Agad kumirot ang puso ko ngunit inilibot ko muna ang paningin ko dahil hindi ko makita si Gaze.

Nalipat ang paningin ko sa banyo ng biglang bumukas ito, lumabas mula doon si Gaze na naka half naked at naglakad papalapit sa babae na nasa kama niya.

Kumirot ng todo ang puso ko ng makita ko ang pagngiti niya at ang paglagay niya ng kumot sa babaeng natutulog.

Nanlabo ang mata ko kaya agad akong umalis sa pagkakasilip 'don. Habol habol ko ang hininga ko habang dahan dahang bumaba sa hagdan at lumalabas ng kanyang bahay.

Parang akong tanga na umiiyak habang tumatakbo pauwi sa bahay. Katulad kagabi ay dumiretso ako sa kwarto at doon umiyak. Nakalimutan na ang pagbisita sa hospital.

Siguro hindi naman talaga ako mahal ni Gaze. Siguro tama ang tatay niya na pinaglalaruan lamang ako ni Gaze. Ako naman na si tanga naniwala naman. Lalong humapdi ang puso ko ng maalala ko ang nakangiti niyang mukha habang nakatingin 'don sa babae.

Hindi ko lubos maisip na habang ako ay umiiyak buong gabi ng dahil sa kanya ay siya naman itong nagpapakasaya sa iba. Sa babae pa.

Gusto kong magalit ng sobra sa kanya ngunit mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Hindi niya lang sinaktan ang puso ko, tinapak tapakan at dinurog durog niya pa ang ego ko.

Gusto kong ipasok sa isipan ko na baka pinsan niya lang iyon o ano, pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang imahe niyang nakikipaghalikan sa babae ay nanginginig ako sa galit at sa sakit. Kung hindi niya babae iyon ay bakit hindi niya man lang ako nireplyan kahapon, hindi din siya tumawag sa akin na kadalasan niya namang ginagawa bago matulog.

Tumunog ang cellphone ko, pinunasan ko ng marahas ang luha ko bago kinuha iyon. Message galing kay Gaze, binuksan ko iyon.

Gaze:
I'm sorry babe, hindi ako nakapagreply kahapon dahil nakalimutan ko ang phone ko sa suite namin ni Dad. Anyway, did you eat your breakfast? I love you.

Nandilim ang paningin ko sa galit, binato ko ang cellphone sa kama at napasabunot sa aking sariling buhok.

Sinungaling! Napaka sinungaling mo, Gaze! Sobrang busy? Sobrang busy ka makipaghalikan sa iba. Walang hiya ka!

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at pinilit makatulog, nagbabakasakaling malimutan sandali ang sakit na nararamdaman.

MULI akong nagising at agad akong tumingin sa orasan. Alas tres na ng hapon. Napahaba ata ang tulog ko.

Tumihaya ako ng higa at kinapkap ang binato kong cellphone kanina sa kama. Kinuha ko iyon at binuksan, madaming unread messages 'don si Gaze. Agad pumait ang pakiramdam ko ngunit binuksan ko parin iyon.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon