Chapter Fifteen

30.2K 1K 86
                                    

Answers

I slowly opened my eyes when I feel someone tickles my nape. Bumungad sa'kin ang ibang kwarto. Ang kwarto ng demonyo. Agad akong napabalikwas ng bangon at napatingin sa orasan.

"Oh shit!" Mura ko ng makita kong alas-siyete na nang gabi. Tatayo na sana ako ng may humawak sa kamay ko. Bumaling akong sa kanya.

"Relax... I already texted your Mother." Sabi nito sa'kin. Nakahinga ako ng maluwag pero may kaba parin.

"Where's my phone?" Kinuha niya mula sa ilalim ng unan niya at ibinigay sa'kin ang phone ko. Agad kong tinignan ang ni-text niya.

'Hey, Mom. Late akong makaka-uwi dahil may group project kami. Nandito ako ngayon sa bahay ng classmate ko kaya wag kang mag-alala.'

Napangiwi ako sa text niya dahil hindi man lang nag 'po'. Baka mahalata ni Mama.

"Why?" Narinig kong tanong ng nasa tabi ko. Kumunot ang noo ko.

"Anong why?"

"Why do you have that face? It's like there's something wrong with my text." Nagtatakang tanong pa nito.

Umirap ang mata ko. "Hindi ka ba marunong gumalang? Hindi ka man lang nag 'po'."

"Is it important?" Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya.

"Seriously, you're asking me that?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Uh... yeah... I just did?" Inosenteng sabi nito. Umiling ako sa kanya bago tumayo at pumunta ng banyo. Nag bawas ako ng tubig sa katawan at naghilamos tapos ay lumabas na.

Nakita ko si Gaze na nakahiga parin at nakatakip ang braso sa mata niya. Napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa'kin.

"Okay ka na ba?" Tanong ko at umiwas ng tingin sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at nakita kong maraming unread messages 'don. Binuksan ko iyon at nakita ko ang maraming text messages galing kay Casthan tapos isa lang yung kay Mama.

"Not really... mabigat parin ang pakiramdam ko." Biglang sagot ni Gaze.

"May sakit ka parin yata." Sabi ko habang binubuksan ang message ni Mama.

Mom:
Buti naman at nagtext ka! O sige, mag-ingat kayo diyan. Mag text ka pag uuwi kana.

Ngumiti ako bago nagtipa.

Ako:
Opo. Love you, Mom. Take care too...

Binulsa ko ang phone at lumapit kay Gaze. Siya ay nakatitig lamang sa'kin habang naglalakad ako palapit sa kanya. Hinipo ko ang leeg niya.

"Bumaba na ang lagnat mo. Uminom ka na lang ulit ng gamot pero kumain ka muna. Initin mo yung niluto ko kanina, uuwi na kasi ako." Sabi ko at bumusangot siya.

"Don't go home yet, slave." Sabi nito.

"At bakit? Hahanapin ako ni Mama." Sagot ko dito. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Utos ko 'yon kaya kailangan mong sundin."

Umikot ang mata ko. "Whatever." Binuksan ko ang malaki niyang flat screen at umupo sa gilid ng kama. Nakikita ko siya sa gilid ng mata ko na nakatitig sa'kin. Nakaramdam man ako ng pagka-ilang ay hindi ko yun pinansin.

"Slave..." Biglang sabi nito.

"Hmm?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Why do you have that face?" Taka ko siyang nilingon.

"What do you mean?"

"You look like a girl,"

"Huh? Bakit naman?"

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon