Chapter Seven: SPG

47.9K 1.2K 112
                                    

Real Faggot

"Anak, gising na..." Unti-unting napamulat ang mata ko at naaninag ko si Mama na nag-aalalang nakatingin sa 'kin.

"Bakit hindi mo binubuksan yung pinto kahapon? Tawag kami nang tawag sayo, 'di ka sumasagot." Pinunasan ko ang luha na tumutulo sa mata ni Mama.

"Sorry, iyakin si Mommy. Hormones ko kasi." Napatango na lang ako bago sumagot.

"I understand, Mom. A-Ang haba kasi ng tulog ko kahapon, kaya hindi ako nagising. Sorry..." For lying, Mom.

Ngumiti siya. "Parang mas buntis ka pa sa 'kin ah? Okay ka lang ba kahapon? Baka masama pakiramdam mo."

"I'm okay, Mom. Don't worry."

"Alright. Baba ka na 'don ah? Sunod kana sa'kin, it's already lunch time." Lumabas na si Mama sa kwarto. Napabuntong-hininga ako at inalala kung paano ako nakauwi dito. I unconsiously touched my lip, namamaga ito. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang halikan na nangyari kagabi. Disgusting asshole! Ako pa ang faggot?! If I know, siya talaga yun.

I gritted my teeth. Bwisit talaga! My fucking first kiss stole by a guy? Hindi ko matanggap! I rather kiss a dog than him!

Padabog akong pumunta sa banyo para maghilamos. Nagtooth-brush ako ng sampung beses dahil nalalasahan ko pa rin ang laway niya sa bibig ko. Damn cigarette and alcohol!

Inayos ko agad ang sarili ko bago bumaba at sinalubong ng malawak na ngiti sina Daddy at Mama.

"Good morning!" Napakunot ang noo ko nung tumawa sila.

"It's already afternoon, anak." Sagot ni Dad. Napapahiyang ngumiti ako at nag sorry.

Umupo ako sa tapat nila at nag-umpisa ng kumain.

"Cai, bakit parang namamaga yang labi mo?" Tanong ni Mama. Hindi ko mapigilan pamulahan. Grabe naman makahalik yung lalaking yun! Parang bubuyog!

"Nag tooth brush ako ng labi..." Ano ba namang dahilan 'yon!

Tumango-tango siya. "Okay. Anyway, bibili na tayo ng gamit mo sa school mamaya. Kaya pagkatapos mo mag pahinga, maligo at mag-ayos kana."

"Sige, Ma."

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako ng kwarto. Gusto kong pumunta sa balcony at mag pahangin kaso baka makita ko na naman yung lalaking yun.

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos mag ayos ay bumaba rin ako. Naabutan ko sina Mama na nasa labas na at nakasakay na ng kotse. Sumakay ako sa likod at sinara na ang pinto ng kotse.

"Ready?" Tanong ni Dad. Sabay kaming tumango ni Mama at nagsimula ng paandarin ang kotse.

Mga ilang minuto ang dumaan bago kami dumating dito sa Mall. Pagkatapos makahanap ni Papa kung saan mag pa-park ay excited akong lumabas ng kotse at hinintay sina Mama. Napangiti pa ako ng magkahawak silang kamay, nauna maglakad sa 'kin papasok sa Mall.

Nanuot sa katawan ko ang lamig nang makapasok kami sa loob. Inilibot ko ang tingin ko at hindi maiwasan mapangiti ng malungkot ng maalala ko ang mga kaibigan ko.

"Are you okay, anak?" Tanong ni Dad. Tumango ako at lumapit sa tabi niya.

"Dad, may dumi ba ako sa mukha?" Hindi ko kasi maiwasan mailang, lahat kasi sila napapatingin sa 'kin. Tapos bigla silang ngingiti parang pinagtatawanan nila ako. Mapalalaki o babae man. Nakakainis!

Tumawa si Dad. "Wala. Ang gwapo mo kasi kaya pinagtitinginan ka. Nakaka-agaw pansin yang asul mong mata tapos ang puti mo pa." Napanga-nga naman ako sa sinabi niya. Pinagsasabi ni Dad?

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon