Chapter Twenty-Three

24.4K 820 23
                                    

Jealousy

I was surprised when I see Chloe, Nathan and Casthan in the house. I just got home from school and it's been a week since Gaze meet my parents.

Nasa mahabang sofa sila habang nanunuod ng TV. Inip ang ekspresyon nang mukha nila. Bumaling ang tingin ni Chloe sa'kin at namilog ang mata.

"Caiusss!!!" Sigaw niya at tumakbo papunta sa'kin. Binitawan ko agad ang bag ko nang bigla siyang tumalon payakap sa katawan ko.

"I miss you!" Aniya habang hinahalik halikan ang buong mukha ko-- maliban sa labi. Niyakap ko siya pabalik at hinalikan sa noo.

"I miss you too..." Sagot ko. Dumako ang paningin ko sa magkambal. Ngumiti sa akin si Nathan, na binalikan ko ng ngiti. Natanggal lang iyon nang makita ko ang malalim na titig ni Casthan na parang gusto akong kainin nang buhay. Iniwasan ko ang tingin sa kaniya at humiwalay sa yakap ni Chloe.

"Nabisita kayo?" Tanong ko habang umuupo kami sa sofa. Nasa pinakadulo ako ng upuan sunod si Chloe, Nathan at huli si Casthaniel na nakatitig parin sa akin.

"Namimiss kana namin 'e. Ayaw mo ba?"

"Syempre gusto! Pasensya na kung hindi ako makabisita 'don. Masyado kasi akong busy. Anyway, kumain na kayo?"

Ngumuso si Chloe. "Hindi pa, hinihintay ka kasi namin. Gusto namin kumain sa labas kasama ka."

Kinurot ko ang pisngi niya at ngumiti. "Alright. I just change my clothes, wait me here." Ani ko at tumakbo patungo sa kwarto.

Nagpalit lang ako ng khaki short at black tee shirt. Binulsa ko ang phone at wallet ko at palabas na sana ng pinto ng bigla itong bumukas at may biglang pumasok. Nanlaki ang mata ko at agad na kinabahan.

"C-Casthan..." I stuttered. Lumapit siya sa'kin at nagulat ako ng bigla ako nitong halikan sa labi. Napatitig ako sa nakapikit niyang mata bago dahan dahan sumiklab ang galit at pagkadisgusto sa katawan ko.

Sinapak ko siya. "How dare you!" Gigil kong sabi at pinunasan ang labi ko ng madiin.

Dumilim ang mukha nito at hinalikan ulit ako. Tinulak ko siya at sinapak.

"Fuck you, Casthan!" Nagdidilim ang paningin ko sa sobrang galit. Nandidiri ako at parang gusto kong magtooth-brush ng sampung beses dahil sa nakakadiring ginawa niya.

Humalakhak siya ngunit madilim parin ang mukha. "We have a time for that, Caius. I miss you, don't you miss me?" Lumambing ang tinig nito. Napailing - iling ako sa kabaliwan na ginagawa niya.

"Bakit mo ako hinalikan?" Gigil kong sabi.

Ngumisi siya. "Because you're my property." Tumalikod na siya at lumabas sa kwarto ko.

"Dream on, disgusting physcho." I mumbled. Pumunta ako ng banyo at nag tooth-brush ng labi. Feeling ko magkakasugat na ang labi ko sa sobrang diin na pagkuskos ko dito. Para nadin nababali ang toothbrush sa higpit ng hawak ko.

Nanggigil talaga ako sa baliw na 'yon. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa o ikainis ang pagbisita  nila dito. Sana kasi hindi nalang sumama ang demonyong iyon.

Bumaba na ako at agad pumunta kay Mama. Hinalikan ko ang pisngi niya.

"Ma, aalis po kami. Mamasyal po kami at kakain. Gusto niyo pong sumama?"

"Hindi na anak, alam mo na kabuwanan ko at bawal muna akong maglabas labas nang bahay."

Tumango ako. "Okay, pero nasaan po si Dad?"

"Nasa kwarto may kinuha lang,"

"Sige, Ma. Alis na kami, bye..." Pinuntahan ko na ang mga kaibigan ko at agad inakbayan si Chloe. Napasimangot naman si Nathan.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon