Chapter Forty Four: SPG

41.3K 885 412
                                    

WARNING: Force sexual harassment. I'm truly sorry if there's someone will be offend of how did I wrote this chapter.

Harrassment

"Okay ka lang?" Napaharap ako agad kay Nien. Kumunot ang noo nito, "Bakit ka namumutla?"

"W-Wala, sige okay na 'ko dito. P-pwede ka na umuwi, maraming s-salamat..." Nanginginig na sabi ko habang umaalis sa pagkaka - akbay niya.

Lalo itong nangunot. "Sigurado kaba?" Tumaas ang balahibo ko ng hawakan nito ang magkabilang braso ko. "Nanginginig ka." Dagdag niya.

Pinilit kong pinakalma ang sarili. Umiling ako, "G-Giniginaw lang ako, s-sige na, uwi kana..." May halong pakikiusap ang tinig ko.

Dahan dahan siyang humiwalay sa akin at tumango kahit bakas ang kalituhan sa mukha niya. "Sige, so see you next time?" Ngumiti na siya.

Tumango ako at pinilit ngumiti. "Salamat," Muli niyang kinurot ang ilong ko ngunit hindi na ako maka-react dahil sa takot.

"Bye for now..."

Ikinaway ko ang nanginginig kong kamay. "Bye, ingat ka..." Binigyan niya ako ng ngiti at tumalikod na.

Kasabay na pagkasakay niya mg taxi ay ang marahas na paghablot sa akin na tila mala-bakal na kamay. Ngumiwi ako lalo na ng hilahin niya ako papunta sa kotse pati na ang pagtulak sa'kin papasok.

Hinimas ko ang braso na tumama sa isang matigas na parte ng kotse na hindi ko makita dahil madilim. Napapikit ako ng mariin ng pabagsak nitong pagsara sa pinto.

Umikot ito paupo sa driver seat bago ulit malakas na isara ang pinto. Agad kong isinuot ang seatbelt dahil alam ko na ang susunod na mangyari.

At hindi nga ako nagkamali, halos tumagos na ako sa inuupuan ko dahil sa sobrang bilis niyang magpatakbo, tulad noon ay pag sobrang galit siya ay hindi niya sinusunod ang traffic sign, tapos ay nag o-overtake pa siya!

Pinilit kong huwag magsalita at sumigaw dahil alam ko na kapag ginawa ko iyon ay mas madadagdagan lang ang galit na nararamdaman niya. At baka kung ano pa ang masabi na masasakit na salita katulad noon.

Hindi ko alam kung paano nangyari, pero agad ko na lang naramdaman ang pagtigil ng kotse at ng minulat ko ang mata ko ay nasa harapan na kami ng isang mataas na condominium.

Katulad kanina ay padabog niya itong isinara ng makalabas siya ng kotse. Nang umikot siya ay agad kong inalis ang seatbelt at hinintay ang marahas niyang paghila sa akin.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang daing dahil sa hapdi na dala ng paghila niya sa akin. Binati siya ng guard ngunit hindi ito pinansin, mabilis ang paglalakad nito at malalaking hakbang pa kaya halos mapasubsob na ako.

Sumakay kami sa elevator at lihim akong nagpasalamat dahil may kasama kaming ibang tao, hindi ko na kasi ma-imagine ang mangyayari kapag kaming lang dalawa dito.

Tahimik ang loob ng elevator kaya rinig na rinig ko ang pagtagis ng ngipin ni Gaze pati na ang mabilis niyang paghinga. Mahigpit ang hawak nito sa kamay ko na feeling ko ay mababali na at siguro ay wala ng dugo.

Nang tumunog ang elevator ay muli niya akong hinila at tumigil sa isang pinto. Nakita ko ang madiin na pagpindot niya sa code na parang balak niyang sirain iyon.

Pumasok kami sa loob at may pinasukan pa ulit na pinto na sa tingin ko ay kwarto. Pagkasara ng pinto ng kwarto ay agad niya akong idiniin sa gilid nito, lumipat ang kamay niya papuntang gilid ng leeg ko at idiniin iyon.

"Where have you been?!" Sigaw nito, nangilid ang luha ko habang tinitignan ang madilim niyang mukha. Pulang pula ang mukha nito hanggang leeg, pati narin ang mata nito!

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon