The Parents
Pagod pero sobrang saya kaming nakauwi ng bahay ni Gaze. Naglaro pa kasi kami sa World of Fun, nakailang oras kami 'don. Pagkatapos 'non ay nagikot pa kami sa Mall para maghanap ng mga couple shirt. At ang nakakatawa pa, si Gaze ang nag-suggest 'non. Bale nakabili kami ng 5 pares ng couple shirt. Tapos ay kumain muna kami bago umuwi.
"Can you sleep here?" Tanong ni Gaze habang nakahiga kami sa kama niya. Nakayakap siya sa'kin at nakasubsob ang ulo sa leeg ko.
"Kung papayagan ako..." Mahina kong sabi at humarap sa kaniya.
"Punta tayong bahay?" Tanong ko. Nanlaki ang mata nito.
"Bakit?"
"Ipapakilala na kita,"
"A-Are you sure?" Kabadong tanong niya at umupo sa kama. Tumango ako. Huminga siya ng malalim bago tumayo.
"Fine. Maliligo muna ako." Sabi niya at dumiretso sa banyo.
"Gaze, hindi mo na kailangan maligo!" Sigaw ko pero hindi siya sumagot. Napailing-iling na lang ako bago niyakap ang unan ni Gaze.
Nangiti ako ng maalala ko yung reaction ni Gaze kanina nung sinabi ko na pupunta kami ng bahay. Ang kinakatakutang si Gaze ay kabado dahil lang dun? Nakakatawang isipin.
Napag-pasiyahan ko na ligpitin ang hinigaan namin habang naghihintay sa kanyang matapos sa paliligo.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng banyo kaya napalingon ako at napatitig sa kanya. Nakabalot ng towel ang lower body niya tapos ay nagpupunas siya ng buhok gamit ang isa pang towel habang naglalakad papalapit sa akin. Nangapal ang pisngi ko nang mapagtanto ko na nakatitig din siya sa 'kin at nakangisi.
"Am I hot?" Tanong nito kaya umikot ang mata ko.
"Conceited," Ani ko at tumalikod sa kanya.
Narinig ko ang halakhak nito. "Hey, I'm just asking!"
Hindi ko na siya pinansin sa halip ay inayos ko na ang sarili ko.
Napatalon ako ng bahagya nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa bewang ko.
"Let's go?" Nakangisi nitong sabi.
"Excited? Kanina lang kinakabahan ka tapos ngayon..."
"Tss... I'm sure they will like me. I'm handsome, hot and filthy rich. Ano pa ang hahanapin nila?" Kulang na lang masuka ako sa sobrang kayabangan niya.
"Ang yabang mo talaga!" Inunahan ko na siya sa paglalakad palabas ng bahay niya.
"Hey, wait!" Narinig kong sigaw nito. Hindi ko ito pinansin. Tumigil lang ako nung nasa harapan na kami nang bahay.
Naramdaman ko ang pag akbay nito sa'kin habang hinihingal pa.
Sinamaan ako nito ng tingin, hindi ko siya ulit pinansin ngunit hinawakan ko ang kamay nito papasok ng bahay.
"Mom? Dad?" Bungad ko nang makapasok ng bahay. Sinulyapan ko si Gaze at nakita ko ang pagka- mangha sa mukha nito habang inililibot ang mata sa loob nang bahay.
"Caius!" Narinig kong sigaw ni Mama mula sa dining room. Hinila ko si Gaze patungo doon.
Nakita ko sina mama at papa na kumakain na napahinto at napatitig sa' ming dalawa.
Nagulat si papa at napatayo. "Mr. Dark!" Bulalas nito.
Agad siyang lumapit sa pwesto namin. "Ano pong ginagawa niyo dito?" Bumaba ang tingin niya sa magka-hawak naming kamay ni Gaze. Namilog ang mata niya at magsasalita na sana ngunit agad siyang hinila ni mama paupo ulit sa upuan.
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...