Chapter Thirty Six

21.6K 693 51
                                    

Work

"Papa!" Narinig kong sabi ng kung sino. Nanatiling akong nakapikit ngunit nangunot ang aking noo ng may malambot na kamay na sumasampal sa pingi ko.

"Papa! Wake up!" Mahinang sumampal ito ulit. Dahan dahan bumukas ang masakit kong mata at bumungad sa akin ang anak kong nakabusangot at nakapatong sa dibdib ko.

Inalis ko siya sa akin at dahan - dahang tumayo. Saka ko lang napagtanto na nakatulog na pala ako sa sahig sa kakaiyak. Agad na kumalat ang sakit at pait sa sistema ko ng maalala ko ang nangyari kagabi.

Hindi iyon panaginip. Sigurado ako, pero sana panaginip na lang talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na at alam kong nakabalik na siya.

Isang hampas muli ang natamo ko. "Pa! Breakfast time!" Reklamo nito, bumalik ang kunot noo ko.

"Bakit mo ako hinahampas? Bad, baby!" Saway ko sa kanya. Ngumuso siya at nag pacute.

"Sorry, papa." Mahina niyang sabi, pinigilan ko ang sarili na kurutin ang pisngi niya. "I'm hungry..." Dagdag niya pa.

"Lagi ka naman gutom 'e!" Sabi ko at mas lalo siyang nagpacute. Napailing ako bago kargahin siya papasok sa banya.

"Maghilamos muna tayo," Ginawa namin dalawa ang morning rituals bago bumaba.

"Good morning!" Bati ko sa kanila na kumakain na. Sabay sabay silang napaangat ng tingin sa'kin at bumati.

Kinuha ni Mama si Zeuseth pagkatapos ay pinaupo na ako para kumain.

"Anak, 'diba ngayong araw ka mag - aapply?" Halos masamid ako sa sinabi ni Mama. Shit! Bakit nakalimutan ko?

"Huh? Anong oras po ba yung interview?" Nagpapanic kong sabi.

"Anytime. Hindi mo ba nabasa sa research mo kahapon?"

Umiling ako. "Nakalimutan ko po 'e." Natawa siya bago binalingan si Zeuseth.

"Busy ka kasi kay baby kaya hindi mo napansin." Ngumiti siya. "Anong oras kaba mag aapply? Hahatid ka namin ni Papa mo."

"Ngayong umaga din po... baka kasi maghintay ako ng buong araw doon kung mamaya pang hapon."

"Oh sige, kami muna bahala sa apo namin. Hinahanap ka ba niya kapag wala siya sa tabi mo?"

"Opo. Napapakalma naman po siya pag naririnig po ang boses ko. Kapag po umiyak at naghanap, tawagan niyo na lang po ako."

"Okay..."

"Salamat po."

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako para maligo. Nagsuot na lang ako ng slacks at white t-shirt na, kasama na ang black shoes. Inihanda ko ang mga dadalhin kong papales at inilagay sa isang bag.

Bumaba ako pagkatapos at nakita ko ang dalawang bata na naglalaro. Lumingon sa akin ang anak ko at ngumiti.

"Papa!" Sigaw nito at maliksing lumakad papunta sa akin, niyakap nito ang tuhod ko at tumingala.

"Play cars!" Aniya at hinihila ako papalapit sa nilalaruan nila. Natatawa na lang ako ng halos umire na siya para lang mapagalaw ako.

Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi. "Aalis si Papa, pakabait ka dito 'ha?"

Kumunot ang noo nito at hinawakan ang pisngi ko. "Alis?"

"Opo. Aalis po si Papa para mag - apply. Wag makulit 'ha?"

Humagikhik lang ito at paulit - ulit na kinukurot ang ilong ko. Kinurot ko din ang ilong niya at hinalikan siya sa noo bago maglakad papunta kay Mama.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon