Chapter Forty Eight

32.2K 759 145
                                    

Worst

"Is this enough?" Tanong sa akin ni Gaze.

Tinikom ko ang naka-awang kong bibig. "Tinatanong mo ba talaga ako?"

"Yeah. Why? Is there a problem?"

Umiling ako. "Wala 'no! Sobra sobra na nga ito 'e. Magkano ginastos mo?"

He grinned at me. "Secret."

Umirap ako. "Pag nalaman ko lang talaga na malaki yun, yari ka sa'kin."

Inakbayan niya ako, "Don't worry about it. Para naman sa anak ko 'yun." Hinalikan niya pa ako at hindi pinapansin ang ibang tao na nag - aayos ng party ni Zeuseth mamaya.

Nag - init ang pisngi ko lalo na nang mapansin ko ang malisosyong tingin ng iba. "A-Ano ba, Gaze..."

Ngumisi siya. "Bakit? Masama bang halikan ang asawa ko?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Asawa ka diyan. Manahimik ka nga. Wag ka masyadong PDA."

"I love doing PDA things with you..." Malandi niyang sabi. Hinampas ko siya na sinuklian niya ng tawa.

"Ewan ko sayo!" I growled tapos ay tumingin sa garden kung saan ang venue ng party ni Zeuseth.

May nakalagay na stage na may malaking background picture ni Zeuseth na may nakalagay na '5th Birthday of our Prince' Ganoon din ang mesa, pati ang upuan. Madaming nakakalat na lobo na may nakataling laruan, lumulutang. Kulay white and blue ang theme na sobrang ganda sa mata. Sa isang gilid ay may napakahabang mesa na may nakalagay na sobrang daming pagkain. Mayroon pang chocolote fountains, different kind of candies, marsh mallows tapos ay may mga gummy bears pa na para siguro sa mga bata. Sobrang engrande ng party nito ay nakakaliit sa aking sarili dahil si Gaze ang gumastos ng lahat, ayaw niya akong pag gastusin.

"Puntahan natin si Zeuseth? Paliguan na natin siya." Sabi ni Gaze.

"Anong oras na ba?" Sumulyap siya sa kanyang orasan.

"Quarter to 4." Tumango ako at pumasok kami sa bahay niya. Madami din sa loob na tayo na nag aayos rin. Lalo na sa kusina dahil marami pang niluluto.

Umakyat kami sa second floor ng bahay at dumiretso sa nursery room. Pagkabukas namin ay napangiti ako ng bumungad sa sa amin ang hagikhikan nila Zeuseth at Charmagne, binati ko ang baby sitter na nagaalaga sa dalawa. Si Andrea.

Pansin ko ang pagpula ng pisngi nito dahil sa kaputian ng kanyang balat. "H-Hello po, Sir." Bati niya pabalik. Mas bata ito sa amin ni Gaze at maganda siya ngunit napunta lang siya sa trabaho na 'to dahil kailangan niya talaga ng pera para daw sa nanay niyang may sakit. Kinausap ko si Gaze na lakihan nito ang sahod. Nag - away pa kami dahil 'don.

Napatingin ako kay Gaze ng yumakap ito sa bewang ko, katulad ng dati ay madilim ang mukha niya pag kinakausap ko si Andrea. "Bakit?" Tanong ko kay Gaze.

Lumapit ang mukha niya sa akin. "Stop talking to her." He whispered, napailing iling na lang ako.

"Kumain kana ba, Andrea? Punta ka na sa baba. Mamaya madami ng bisita at baka hindi ka na makakain ng maayos." Sabi ko kay Andrea.

"S-Sige po, s-salamat po." Aniya at tumayo, nakayukong nilagpasan kami ni Gaze. Taka akong sumulyap kay Gaze at nakita ko ang masamang tingin nito kay Andrea.

Hinampas ko siya. "Itigil mo nga yang tingin mo, tinatakot mo si Andrea!" I hissed. Kumunot ang noo nito sa akin.

"Why do you care for her?" Matigas niyang tanong. Bumuntong hininga ako at nagtip - toe para maiyakap ko ang braso ko sa leeg niya.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon