Chapter Forty

24.3K 689 13
                                    

Confused

Nagising ako na mayroong saya at gaan sa aking pakiramdam. Lumipat ang tingin ko sa taong katabi ko at mahimbing na natutulog sa dibdib ko. I smiled as I traced his face. Mas nag mature ang kanyang mukha at mas lalong gumwapo. Napapangiti ako tuwing naririnig ko ang mahihina niyang hilik.

Naalala ko si Zeuseth sa pagtulog niya, wait... Zeuseth? Shit! Nakalimutan kong mag message kagabi!

Dahan dahan kong inalis ang kanyang pagkakayakap sa akin at pumunta sa kanyang banyo. Sinara ko iyon at kinuha ang phone ko sa bulsa. Maraming missed calls mula kay Mama. Tinawagan ko ang number na 'yon.

"Caius! Ano bang nangyari sayong bata ka? Kagabi ka pa namin tinatawagan pero hindi mo sinasagot! Hinahanap ka ni Zeuseth kagabi! Nakatulugan niya ang sobrang pagiyak dahil sayo! Kawawa si baby!" Agad na sigaw ni Mama pagkatawag ko. Kinagat ko ang labi ko nang maisip ko ang naghahanap at umiiyak kong anak dahil sa 'kin.

"I-I'm sorry, Ma. Nakatulog po kasi ako sa trabaho." I lied. "Pero pauwi na po ako ngayon, pasensya na po. Tulog pa po ba si Zeuseth?" Ani ko at niloud speaker iyon, inilapag ko iyon sa area na hindi mababasa at naghilamos.

"Oo, napuyat ang anak mo kagabi dahil kakahintay sayo. Bakit ba kasi nakatulog ka? Pinapahirapan kaba ng boss mo?" Seryosong sabi niya. Natigilan ako.

"Hindi naman po... 'tsaka minsan ganon naman po talaga sa trabaho, masyadong madaming ginagawa..." Ani ko. Kinuha ko na ang phone at inalis ang loud speaker, tapos nadin naman ako mag hilamos.

"Sigurado ka?"

"Opo... ibaba ko na po ito. Paalis na 'ko..."

"Sige, ingat ka." Huli niyang sinabi bago patayin ang tawag.

Lumabas na ako ng banyo at napangiti ulit ng makita ko si Gaze na mahimbing na natutulog. Sumulyap ako sa malaking orasan ng wall niya. Alas sais na pala.

Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang ulo niya bago halikan sa noo. "I'll be back..." Ani ko at lumabas na ng kwarto, buti na lang at hindi siya naka lock.

Nagulat ang guard ng makita ako papalabas. "Caius!" Aniya, close na kasi kami ni Manong kaya ganyan ang tawag niya sa'kin.

"Goodmorning, Manong Rene!" Masigla kong sabi

"B-ba't ngayon ka lang?"

"Nakatulog po kasi sa trabaho."

Tumango siya. "Oh sige, pauwi ka na?"

"Opo."

"Ingat ka..."

"Salamat po." Ngiti ko at nagpa - alam na.

Pagkarating ko sa bahay ay nasalubong ko si Mama sa sala na nagtitimpla ng gatas.

"Good morning..." Bati ko.

"Morning too, nag - almusal kana ba?"

"Mamaya pa po, asan po si baby?"

"Nasa kwarto mo kasama si Charmagne."

"Sige po. Salamat, ma, pasensya na kung ngayon lang ako nakauwi."

Tumango siya. "Basta sa susunod ay wag mo ng uulitin iyon, nag - aalala kami sayo ng sobra. Magtext ka kung gagabihin ka."

"Opo. Pasensya na ulit."

"Umakyat kana 'don." Utos niya at agad kong sinunod.

Nakita ko si Zeuseth sa kama katabi si Charmagne at parehas natutulog. Mabilis akong lumapit sa anak ko at tinignan siya.

Kumirot ang puso ko ng makita ko ang natuyong luha niya sa pisngi. Malungkot ang mukha nito at bakas dito ang mahabang oras ng pag iyak niya kagabi.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon