Misunderstanding
"G-Gaze.." I whispered.
Malalaki ang mga hakbang nito palapit sa'kin, narinig ko ang pagtawag ng kaibigan ko sa'kin marahil siguro ay nagtataka sila. Hindi ko sila pinansin sa halip ay kabadong kabado akong nakatitig sa galit mukha ni Gaze.
"We will fucking talk!" Sigaw niya.
Napapikit ako ng mariin nang marahas ako nitong hawakan sa braso at hilahin, dahilan para mapahiwalay kay Chloe.
Nasasaktan ako sa sobrang higpit ng hawak niya ngunit hindi man lang ako makapag salita dahil sa takot.
Bubuksan niya na sana ang kotse nang biglang may humawak din sa kabilang braso ko at nadagdagan ang kabang nadarama ko nang makita si Casthan iyon.
"Saan mo siya dadalhin?" Malamig na sabi nito.
Umigting ang panga ni Gaze at sumigaw, "Wala kang pake!" At nagulat ako nang sinuntok niya si Casthan sa mukha.
Napaatras ito at nabitawan ang braso ko.
"No one touches mine!" Sigaw pa ni Gaze at tinulak ako papasok sa kotse. Napamura pa ako nang mauntog ako sa salamin.
Nahagip nang tingin ko si Casthan na tumayo at susuntukin na sana ang salamin ng kotse ni Gaze na hindi nagawa dahil pinaandar na ito.
Malakas akong napasinghap at nanginginig na ikinabit ang seatbelt sa katawan ko.
Parang naiwan yata ang kaluluwa ko dahil sa sobrang bilis niyang magpaandar.
Hindi niya na sinusunod ang traffic lights na nadadaanan. Kahit kulay pula ay tumutuloy parin siya.
Ilang traffic enforcer narin ang pumito sa kanya ngunit imbis na tumigil ay mas lalo niya pang binibilisan.
"G-Gaze, dahan dahan naman." Sabi ko at sinunukan siyang hawakan. Napapikit ako sa sakit nang tabigin nito ang kamay ko.
"Don't touch me! And shut your fucking mouth!"
Bumagsak ang tingin ko sa kamay ko at natulala 'don. Kumirot ng husto ang puso ko.
Hindi ko makalimutan ang emosyon na dumaan sa mata niya. Galit at pandidiri.
Ano bang problema niya? Porke't nakalimutan kong basahin ang text messages niya at sagutin ang tawag ay mandidiri siya sa'kin?
Kasalanan ko bang nakasilent ang phone ko dahil galing ako sa school kanina at nakalimutan kong imessage siya?
Nakatulala lang ako hanggang makarating kami sa harap ng bahay niya.
Nagulat ako nang bigla niyang tanggalin ang seat belt ko at hinawakan ang kamay ko palabas 'don.
Tiningnan ko ang braso ko ma sobrang namumula at bakat ang outline ng daliri ng kamay niya dahil sa higpit ng hawak niya sa'kin.
Kung kanina ay sobrang higpit, ngayon naman ay parang hangin lang dahil sa sobrang gaan ng kanyang paghawak.
Pumasok kami sa bahay at hinila ako paupo sa mahabang sofa niya sa sala.
Naramdaman ko ang pag ikot ng braso nito sa bewang ko bago ako yakapin ng mahigpit at ibaon ang ilong sa leeg ko.
"Caius.." He breathed. Nanatili akong tahimik.
"I'm sorry..." Malambing na sabi nito. Imbes na matuwa ako ay pait ang naramdaman ko.
Ano 'to? Push and pull? Kanina halos patayin niya na ako sa galit niya tapos ngayon para siyang kuting sa sobrang amo.
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...