Fever
"Good morning, Caius." Bati ni Chain pagkapasok ko ng room. Ngumiti ako sa kanya at bumati pabalik. Umupo ako sa tabi niya at tumunganga sa harap. Himala, hindi ko nakita ngayon si Gaze?
"Are you okay?" Napabaling ako sa katabi ko.
"Huh?"
"Okay ka lang?" Tanong nito.
"Oo naman!" Sabi ko at tumawa. Tinitigan ako nito ng matiim kaya iniwas ko ang tingin ko. Saktong tumama ang paningin ko sa pinto ng classroom kung saan nandoon na ang demonyo na may kasama palang magandang babae.
Pinanuod ko sila, kung paano nagpapa-cute ang babae kay Gaze habang si Gaze naman ay malanding tumatawa. Lumingon siya sa pwesto ko at nagtama ang paningin namin, sandali itong natigilan kalaunan ay ngumisi. Bumalik ulit ang tingin niya sa babae at parang mas lalo siyang lumandi.
"I'll text you later..." Rinig kong sabi ni Gaze sa babae.
"Okay. I love you, babe." At hinalikan ng babae si Gaze na gumanti din sa halik nito. Hindi ko mapigilang umirap, kadiri.
"Yeah, bye..." At pumasok na ng classroom si Gaze. Habang naglalakad siya papunta sa upuan niya ay sa 'kin lang siya nakatingin habang may ngisi sa mga labi, tila nang-aasar. Inirapan ko siya at tumingin na sa harap.
"Hi, slave..." Bati nito sa'kin ng madaanan niya ang upuan ko. I glared at him.
"Shut up." Madiing sabi ko. Bobo ba siya? Paano kung may makarinig?
Ngumisi ito at tinaas ang dalawang kamay, parang sumusuko.
"Easy there, babe." Kumindat pa ang hinayupak.
"Don't call me babe!" I hissed. Lalong lumawak ang ngisi niya tapos ay umupo na upuan niya.
Pumasok ang teacher at nagsimula ng magturo. Boring akong nakinig sa harap, I hate philosopy.
Nakaramdam ako na parang may tumititig sa 'kin kaya inikot ko ang paningin ko sa classroom at dumako ang mata ko kay Gaze na nakatingin at may ngisi parin sa labi. Sinamaan ko siya ng tingin bago tumingin sa ulit sa harap. Saktong nagpa-test ang teacher namin.
After namin magtest ay breaktime na. Inayos ko ang gamit ko at lumingon kay Gaze.
"Bababa ako ng canteen, may ipaguutos kaba, master?" Panunuya kong tanong. Tumaas ang kilay nito bago napanguso, parang nagpipigil ng ngisi.
"Just water, my slave." Sabi nito. Buti na lang at kami na lang dalawa ang natira dito sa room. Nauna kasing lumabas si Chain kanina.
"Tss." Bumaba na ako sa canteen. Nakita ko na naman si Brianna na naglalakad mag-isa papuntang canteen.
Napansin kong nakayuko siya tapos may nabangga siyang tatlong babae. Tinulak si Brianna 'nong nasa gitnang babae, napaupo sa sahig si Brianna pero nakayuko parin. Tumakbo ako at lumapit 'don.
Naiinis ako, sa halip na tulungan nila si Brianna, pinagtatawanan pa noong mga nanunuod.
"Loser ka kasi!" Narinig kong sabi tapos sinundan ng mga tawanan.
"Brianna!" Tawag ko sa kanya. Naagaw ko ang pansin nilang lahat pero wala akong pake. Itinayo ko si Brianna at inilapit sa'kin. Tinignan ko yung nasa gitna, napagtanto kong siya kausap kanina ni Gaze. Nadagdagan lalo yung inis ko sa babaeng ito.
"Hey..." Tawag niya sa'kin tapos nagpacute. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napalitan ang mukha niya ng takot.
"What's your name?" Mahinahong tanong ko. Tapos bumalik na naman ang pagpapa-cute niyang mukha. Seriously?
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...