Son
"Daddy?" Tanong ni Zeuseth habang inaayusan ko siya.
Ngumiti ako. "Yes, we gonna go to meet your Daddy." Nanlaki ang mata nito at pumalakpak.
"Yey! Meet Daddy! Meet Daddy!" Paulit ulit niya sinasabi. Pinulbuhan ko siya at pinabanguhan bago kargahin.
Bumaba kami at dumiretso sa sala. Nandoon sina Mama at Charmagne, naglalaro.
"Ma, we're going..." Tawag ko sa pansin niya. Lumingon siya sa 'min at tumayo para makalapit sa akin.
"You're scared?"
"Y-Yeah, and nervous too." Hinawakan niya ang balikat ko at nagsalita.
"Wag mo kasing isipin yung takot. Dapat maging masaya ka dahil makikilala na ng anak mo ang ama niya. Kung magalit man siya ay amuhin mo, tutal sabi mo naman ay mahal ka ng tao. Panghawakan mo 'yon."
Ngumiti ako at tumango. "Opo, salamat, Ma."
Bumaling siya kay Zeuseth at hinaplos ito sa ulo. "Excited na ang baby namin?" Tanong niya.
"Yes!" Sigaw naman ng anak ko. Natawa si Mama at muling tumingin sa 'kin.
"O siya, sige, mag ingat kayo sa byahe. Good luck, anak."
"Sige, Ma..."
Inihatid kami ni Mama palabas at hinantay na makapasok kami sa taxi bago siya pumasok. Kumaway siya sa amin na sinuklian ng anak ko.
Umandar na ang taxi. Ako naman ay sumandal sa upuan habang kinakalma ang sarili ko dahil sa kabang nararamdaman.
Nagising ako kaninang umaga at tulog pa siya, napagdesisyunan ko ng ipakilala sa kanya si Zeuseth na dapat ay kagabi nangyari. Binilisan ko na ang kilos ko baka kasi magising siya ng wala ako.
Nagpatigil muna ako sa drive thru ng isang fast food at nag order para sa almusal ni Gaze. Syempre, pati narin ang anak kong si Zeuseth.
Halos hindi na ako makalakad ng maayos ng makababa ng kami ng taxi dahil nakarating na kami sa harap ng condominium.
Ang anak ko naman ay hindi maalis alis ang ngiti at kanina pa sinasambit ang salitang 'daddy'.
Sumakay kami sa elevator hindi pinapansin ang mga taong tumitingin sa gawi namin. Nagtataka ako sa mga bulungan nila na naririnig ko naman. Katulad ng kamukha daw ng boss nila ang anak ko.
Tumunog ang elevator ng makarating na kami sa floor na pupuntahan namin. Huminga ako ng malalim nang makarating kami sa harapan ng pinto.
Dahan dahan kong ni - punch ang code na natandaan ko pa kagabi. Bumungad sa amin ang pinaghalong pabango ng babae at lalaki kaya mas lalong kinabahan ang damdamin ko.
Unti unti akong naglakad papunta sa kwarto. Rinig na rinig ko ang pagwawala doon ni Gaze at ang pagsigaw ng isang babae... si Cyrene.
"... I am here, okay! Forget about him! Be with me! I'm not gonna leave you like he did!" Sigaw nito.
Napatingin ako sa anak ko na nagtataka narin sa naririnig na pag aaway. Pilit ko siyang binigyan ng ngiti.
Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ang pinto, natulos ako sa kinatatayuan ko ng mabungadan namin ang sitwasyon. Si Cyrene at Gaze, parehas na nakaluhod sa sahig at magkadikit sa labi. Nakaharap sa amin ang nakapikit na si Gaze na bakas ang pag luha.
Kahit pilit ko na iniintindi ang sitwasyon ay unti unting pinipiga ang puso ko. Nag ulap ang mata ko at pilit na hinahanap ang tapang na hilahin 'don si Gaze.
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...