Chapter Thirty Five

22.3K 703 63
                                    

Home

"Oh my God! I miss you, anak!" Sigaw ni Mama ng salubungin niya kami. Agad na namasa ang mata ko at yumakap sa kanya.

"I miss you too, Ma." Humagulhol ito habang niyayakap ako ng mahigpit. Ako naman ay naiiyak dahil sa saya, I just can't believe that I'm back and I am with my Mom again.

"Lola, Tita Chain?" Agad kaming napahiwalay ni Mama sa pagkakayakap. Nanlaki ang mata ng nanay ko at agad kinarga si Zeuseth.

"Is this Zeuseth?" 'Di makapaniwalang tanong niya, tumango ako. "He... he is so handsome. Nakuha niya ang mukha niya sa ama niya."

"Yeah." Ngumiti ako ng mapait. Lumingon ako kay Papa na dala si Charmagne. Kinuha ko si Charmagne tapos ay binigyan ko si Papa ng yakap.

"Hi, Pa. How are you?" Tinapik niya ako sa balikat.

"Always fine, anak. How about you?"

"Okay lang din po, thanks to my baby boy." Bumaling ako kay Charmagne na subo subo ang daliri habang nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Natawa ako at binigyan siya ng halik.

"Remember me?" Tinuro niya ako tapos ay kay Zeuseth na nakabusangot habang nakatingin sa banda namin.

"Kuya Caius... baby Seth..." Ngumiti ako at tumango.

"I miss you, baby sister. Do you miss me?"

"Yes!" Sigaw niya.

"Papa!" Tumingin ako kay Zeuseth na tinawag ako at papaiyak na. He lift up his arms like he was saying he wants me to carry him.

Tumawa ako at binigay kay Papa Reighan si Charmagne. Kinuha ko si baby kay Mama na namamangha parin.

Iniyakap niya ang maliliit niyang braso sa leeg ko at sumubsob sa leeg ko. I can feel his hot tears.

Hinaplos ko ang ulo niya. "Why my baby boy is crying? Hmm?" Malambing kong tanong.

"Papa is mine!" Galit niyang sigaw. Napangiti ako at napatingin sa magulang ko na natatawa sa sinabi ng anak ko.

"Hindi kaya." I tried to tease him, lalong itong umiyak.

"No! Papa is mine!" Iyak niya. Ini-angat ko ang ulo niya at pinunasan ang luhaan niya mukha. I kissed his forehead.

"Okay... I'm yours. Stop crying now, baby." Natigil ito sa pag iyak ngunit humihikbi parin.

"He's quite possessive, huh?" Tanong ni Mama.

Natigilan ako. "Yeah, just like his father." Bulong ko. I shrugged my head.

"Anyway, let's go? I miss our home." Tumango silang dalawa at tinulungan ako sa dala kong bagahe.

Sumakay na kami sa kotse ng mailagay na ang dala ko sa compartment. Nasa backseat kami ni Zeuseth habang sila Mama ay sa harapan kasama si Charmagne.

Pansin ko ang pananahimik ng anak ko kahit umaandar na ang kotse. Tinignan ko siya dahil nakasubsob lang ito sa leeg ko. Hindi naman siya tulog pero ang tahimik niya.

"You okay?" Tanong ko sakanya. Mapupungay ang mata nito na tumitig lang sa akin.

"Hungry?" Nakatitig parin siya.

"Or sleepy?" Nakahinga ako ng maluwag ng tumango ito. Ngumiti ako bago siya iniayos ng higa sa braso ko.

Pinikit niya na ang kanyang mata ng mag umpisa akong tapik - tapikin ang pwetan niya.

"Gaze..." I unconsiously whispered while staring at my son. Kamukhang kamukha talaga ito ng ama niya. Kamusta na kaya iyon? Siguro galit na galit iyon sa 'kin at nakamove on na. Siguro mayroon na siyang bagong kinakasama ngayon, o kaya ay kasal na siya kay Cyrene.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon