Warning
"Hop in." Malamig na sabi nito sa'kin ng makalapit ako. Pinilit kong wag kabahan ngunit nanginig ang loob ko ng pumasok ako sa passenger seat.
Walang imik na pinaandar nito ang kotse, gusto ko man magtanong ay hindi ko magawa dahil sa kabang nararamdaman ko. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang nerbyos at takot.
Saan kaya kami pupunta?
Tumingin ako sa labas at nakita ko ang pamilyar na daanan. Tumigil ito sa harap ng isang resto. Ang Glass Onion ulit.
Lumabas ito kaya nag aalinlangan akong lumabas din lalo na nasa akin nakatuon ang kanyang mata.
Hawak ko ng madiin ang bag ko habang nakayuko at sumusunod sa kanya.
"VIP table for two..." Sabi ng ama ni Gaze na lalong mas nakadagdag ng takot sa'kin. Bakit kailangan pang VIP?
"This way, Sir..." Narinig kong sabi ng babaeng staff. Muli kaming naglakad hanggang sa pumasok kami sa isang kwarto. Napa angat ako ng tingin at nakita ko ang pang dalawahang upuan at isang lamesa sa loob nito.
"Sit down," Sabi sa'kin ng ama ni Gaze. Saglit akong napatingin sa kanya ngunit nagiwas din ng tingin ng masalubong ko ang kanyang titig.
Umupo ako at ganoon din siya. Inabot niya ang menu na binigay ng isang waitress at binasa.
"What do you want?" Tanong nito sa'kin. Lumunok ako bago sumagot.
"Uh... t–tubig na lang po." Umangat ito ng tingin sa'kin bago tumingin sa waitress.
"Orange juice for him and a brewed café for me." Agad naman itong nilista ng waitress bago yumuko ng bahagya at nagma - madaling umalis.
"Look at me..." Utos nito sa malalim na boses. Nanginig ako at kinurot muna ang aking mga daliri bago tumingin sa kanya.
"Caius Hera Xaveria... boyfriend of my son." Mapanuya nitong sabi at diniinan pa ang salitang 'boyfriend'
"Sounds disgusting right?" Nakangisi niyang sabi na nakapag payuko sa'kin.
"I said look at me!" Dumagundong ang sigaw nito sa apat na sulok ng kwarto, nanginig ako sa takot at agad napatingin sa kanya.
"As what I say, it sound disgusting right? I'm gonna be blunt to you, disgusting faggot and I'm not sorry. Listen carefully." Napapikit ako ng mariin sa tawag niya sa'kin.
"Tatagalugin ko na para maintindihan ng isang mababang taong katulad mo. Hindi kita gusto sa anak ko. Ikaw ang magiging dahilan kung bakit masisira ang kinabukasan ng aking anak. Ano nalang ang sasabihin ng mga ibang tao pag nalaman nila na ang isa sa pinakamayamang tao sa mundo at ang nag iisa nitong anak na lalaki ay may kasintahan na kapwa niyang lalaki. Mandidiri at bababa ang tingin nila sa anak ko. Gusto mo ba yon?" Umiling lang ako kahit na gustong gusto ko ng sumagot dahil sa masasakit na salita niya. Nangingilid na ang luha ko ngunit napipigilan ko pa yon.
"Ayaw mo pala 'e, bakit pinatulan mo pa? Pera ba ang habol mo sa anak ko kaya pinatulan mo? Wag kang mag alala mas marami akong pera sa anak ko, bibigyan kita ng marami layuan mo lang ang anak ko." Sasagot na sana ako ng biglang pumasok ang waitress at dala ang inorder ng kasama ko. Lumabas na din ito pagkatapos.
Huminga ako ng malalim para pahupain ang sobrang emosyon. "Mahal ko po ang anak niyo, Sir." Tangi kong nasabi, dumilim ang mukha nito at mukhang napigtas ng konsensya.
"Istupido! Wala akong pake kung mahal mo siya! Ang gusto ko ay layuan mo siya at wag na muling magpakita! Nakakadiri ka! Kayo! Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa anak ko at napapasunod mo siya. Pwes, sinasabi ko sayo pinaglalaruan ka lang ng anak ko!" Sigaw niya na sunod sunod kong ikinailing. Pinunasan ko ang takas ng luha.
BINABASA MO ANG
Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)
General FictionUNDER REVISION Caius Hera Xaveria and his family migrated to Manila. He met the sadistic and evil Gaea Zeus Dark, whom everyone needed to be scared of. One time, Caius got pissed off at Gaea and shouted and cursed at him. Gaea got angry at Caius an...