Chapter Twenty - Six

24.4K 700 10
                                    

The Father

"Yung promise mo ha! Doon ka magbabakasyon sa atin!" Sigaw ni Chloe. Pinagtitinginan na siya ng ibang mga tao sa airport pero hindi niya pinapansin.

"Oo na... oo na..." Tawa ko. Inirapan ako nito bago ako muling niyakap. Sumulyap ako sa kambal. Si Nathan ay nakatingin sa'min habang si Casthan naman ay sa paligid nakatingin at parang iniiwasan ako.

Oo, gusto ko yon. Pero hindi ko mapigilang magtaka dahil para akong may malubhang sakit kung iwasan niya ako. Nagtataka din ako dahil ang dami niyang sugat at pasa sa mukha pati sa katawan, parang nakipag bugbugan siya or something.

Tinitigan ko ang aking papalayong kaibigan hanggang sa makasakay na sila sa airport. Bumuntong hininga ako bago sumakay ng taxi at dumiretso pauwi.

Humilig ako sa upuan ng taxi at sinilip ang cellphone ko. I typed a text.

Ako:

Good afternoon! Are you awake?

I hit send. Ilang minuto ang lumipas bago tumunog ang phone ko.

Gaze:

Just got wake up, babe. Done with your friends?

Ako:

Yeah. Naihatid ko na sila, pauwi na ko galing airport. Why?

Gaze:

I'll fetch you in your house, wait me there. Wear something formal, we have a dinner later with my dad.

Suminghap ako at agad kinabahan, nanlamig ang aking katawan kaya hindi ako agad nakapag reply.

Napansin kong nasa harap na pala kami sa gate ng village. Bumaba na ako pagkatapos magbayad.

"Salamat po..." Huli kong sinabi. Tumango ang driver at pinaandar na ang taxi.

Kinuha ko ang phone ko at nakita kong may unread message galing kay Gaze.

Siya:

Babe?

Marahil ay nagtataka siya dahil natagalan ako sa pagrereply tumingin muna ako sa paligid dahil baka may dumaang mga sasakyan at maaksidente pa ako dahil sa pagtitext sa daan. Nang masigurado kong wala ay nagreply na ako.

Ako:

Sorry late reply, kakababa ko lang ng taxi. I'll wait for you...

Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa kwarto. Mag isa lang ako ngayon dahil nasa hospital si Mama dahil nag l-labor na siya.

Kaninang umaga ay bumisita ako doon at nakita kong tulog pa si mama sa hospital bed pati na si papa na nakaupo at nakasubsob ang ulo sa gilid ni mama. I smiled at view.

Sumilip din ako kung saan nakalagay ang baby. Babae ito at pinangalang Charmagne. Hindi ko mapigilang ang pagkaexcite dahil sa wakas ay magiging kuya na ako.

Just like what Gaze said, I wear a formal suit after I take a bath. Inayos ko ang buhok ko bago magpabango. Tumitig ako salamin at hilaw na ngumiti dahil sa sobrang kaba.

Agad ako napalingon sa bintana ng marinig ko ang busina ng kotse ni Gaze. Madali akong nagsapatos at bumaba.

Hindi ko mapigilang mailang sa titig na ibinibigay niya sa'kin habang papalapit ako sa kanya. Agad ako nitong siniil ng magaan na halik ng makalapit ako

"I miss you..." Sabi niya pagbitiw sa'kin. Ngumiti ako.

"I miss you too kahit magkasama lang tayo kagabi." Humalakhak ako. Pinalibot niya ang tingin sa buong katawan ko.

Obsession and Possession (BXB) ✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon