AUTHOR: Hi!
Read at your own risk 🙂
Thankies 💕Don't forget to Vote/comment 💕
----- 💀
Madilim wala akong makita..
Sinubukan kong kapain at pakiramdaman ang nasa paligid ko..
Ang huli kong naaalala ay nakatulog ako sa kwarto.. tapos nandito na ako..
Nananaginip lang siguro ako..
Sinabukan kong kurutin ang sarili ko..
"A-aray"
Hindi.. hindi to panaginip
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad..
Ano to??
May tubig akong natatapakan..
Nasaan ba ako?
----
Napabalikwas ako ng gising. Tinignan ko ang buong paligid nasa kwarto ako.Nananaginip lang siguro ako kanina..
/Kring kring!!
Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ng kama.
Unknown number.. Sinagot ko ito
"Hello?"
Tahimik at walang sumasagot sa kabilang linya.
Prank call lang siguro to.
Ibababa ko na sana pero may narinig akong nagsalita sa kabilang linya.
"Hello Kia?"
"Hello? Sino to?" tanong ko dito.
Hindi na naman ito sumagot pero naririnig ko ang malalalim na hininga nito.
"Hello?? sino ba to?"
"Kia?" sagot nito.
"Ako nga to si Kia.. sino ba to?"
Napalingon ako sa may bintana bigla na lang kasing humangin ng Malakas
"Ahh A-aray" nabitawan ko ang cellphone nung may naramdaman akong may sumugat sa kamay ko.
Tinignan ko ito. Hindi naman to ganun kalalim. Pero paano ako nagkaroon ng ganito?..
Nagulat ako ng Biglang tumunog ang Cellphone ko. Inabot ko ito dahil napunta to sa sahig nung nahulog ko ito kanina.
"Hello?"
Hindi na naman ito sumasagot.
"Hello sino ba kasi to?--Ay!" napasigaw ako ng biglang kumalabog ang pinto kaya napalingon ako dito.
"What! ano bang nangyayari?" tanong ko at agad akong tumayo at pumunta sa may pintuan.
Binuksan ko ito. Napadaing pa ako sa sakit dahil ung kanang kamay ko na may sugat ang ipinangpihit ko. Pagkabukas ko ay wala namang tao.
Bakit nga ba magkakaroon ng ibang tao dito eh ako lang naman ang nandito.
Sinarado ko ulit ito. Pero napaatras ako ng biglang may nakaukit na
K-I-A sa may likod ng pinto..
Napatingin ako sa Cellphone ko umiilaw kasi ito.
Msg: Sinong Kia?
Napakunot ang noo ko. Aba loko to ah sya kaya ang unang nagsabi ng pangalan ko.
Send: Kiana Mari Dimyoca.. Sino ba kasi to? Hoy! di ako nakikipagbiruan sayo
Naiinis na ako. Lakas din kasi ng trip nito.
Msg: Kia -Kiana Mari Dimyoca
Binasa ko ito iba din talaga ang trip nito.
Pinatay ko na ang cellphone ko. Naiinis na kasi ako. Inilapag ko ito sa kama at humiga ako ulit.
Nakaramdam ako na may humahaplos sa balikat ko. Kaya napalingon ako..
"Kia.."
-------
AUTHOR: woop 💕🙂
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...