Chapter 27

16 2 0
                                    

------ 💀
Kia's PoV

Gumugulo pa din sa isipan ko kung bakit may ganung gamit sa loob ng Kwarto ni Ayumi. Ang kwartong inuukupa ko kasi ay kay Ayumi.

*Klingg!! *Klingg!!

Pinatay ko na ang Alarm clock ko. Hindi ko tuloy namalayan na oras na pala ng pagpasok sa Eskwelahan.

Naglakad ako papunta sa C.R. Itong Kwarto ni Ayumi pagdating ko ay may mga Salamin, pero ngayong nandito ako ay sinabi ko sa kanya na tanggalin ang mga yun.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka bawiin nya ang buhay kong ito. Buhay na pinapangarap ko.

Pumasok na ako sa banyo. Habang dumadaloy ang malamig na tubig na nanggagaling sa dutsa.

Narinig kong Bumukas ng dahan-dahan ang pintuan nito.

Sumilip ako ngunit wala naman akong nakitang kahit na ano.

Nagpatuloy ako sa pagligo. Hindi na tuloy ako mapakali dahil may kung anong bagay na tumatakbo sa isipan ko.

Sinarado ko na ang dutsa. Hinawi ko ang kurtina mula rito. Nang biglang may humawak sa kamay ko. Agad kong binawi ito.

Tumayo bigla ang mga balahibo ko. Agad kong kinuha ang aking tuwalya.
Nagmadali akong lumabas ng banyo.

Mahigpit ko kinapitan ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko. Mabilis ang bawat galaw ko habang nagbibihis ako.

Nang matapos na akong magbihis. Napatalon ako sa gulat ng may narinig akong tumunog. Yung Cellphone ko lang pala.

Msg:Kiana dalian mo..

Si Ayumi ang Nagtxt. Napakunot ang noo ko dahil malapit lang naman ang kwarto namin. Bakit kailangan nya pang magtxt kung pwede naman syang kumatok na lang dito sa kwarto.

Ibinaba ko ang Cellphone ko. Napalingon ako sa Pinanggagalingan ng Tunog na narinig ko.

Nanggagaling ito sa loob ng Banyo. Sumilip ako dahil panigurado namang hindi ko nakalimutang isirado ang shower bago ako lumabas.

Naririnig ko ang Pag-agos ng tubig mula rito. Nangmasilip ko ito ay nakita kong nakatakip na din yung kurtina.

Napaurong ako. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Bigla na lang tumigil ang ang pag-agos ng tubig. Nanlaki ang mata dahil dun. Kinabahan ako kaya agad akong nagpunta sa Pinto at lumabas ng kwarto.
.
.
.
"Kia.."
------

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon