Chapter 9

24 3 0
                                    

----- 💀
Kia's PoV

Buong mag-hapon akong nakatunganga dito sa bahay.

Thursday na at hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Ngayon na rin kasi Gaganapin ang School Camp hanggang Saturday ng Gabi.

Naghanda na ako ng mga gamit ko. Nang matapos kong ayusin ang mga ito. Pumunta ako sa likod ng bahay.

"Kuya aalis na ako.. School Camp namin ngayon wag kang magalala I bring foods, kaya hindi ako magpapagutom" nagpaalam ako sa kanya. Pumasok uli ako sa loob ng bahay at kumuha ng jacket isinuot ko ito bago ako umalis.

Pagdating ko sa School ay puno na ng mga estudyante at naka latag na ang mga camp ng mga ito.

"Okay!? Students Please be quiet for a moment! Makinig kayo sa I-aanounce ni Mr. Principal" napatingin ako dun sa may stage ng magsimulang mag salita ang Principal namin.

"Students pwede na kayong pumunta sa mga perspective groups ninyo naka post na ang inyong final group arrangement" sabi ng aming principal.

Dinumog ito ng mga estudyante.

"Pstt!! Kia!!" si Sarah.

"Ah bakit?" tanong ko sa kanya habang papalapit sya sa akin.

"Nakita mo na ba yung group mo?" tanong nya. Umiling naman ako.

"Hindi kakarating ko lang kasi" sinamahan nya ako sa board kung saan nakapaskil yung mga groups.

Group 6 Ako pero mas napansin ko ang mga kagrupo ko dito.

"Diba sabi nila hiwahiwalay daw ang mga magkaklase o magkakasection pero tayong three sections ay magkakasama so it means na mga kaklase lang din natin ang kasama natin" napalingon ako kay sarah ng bigla syang magsalita.

Naglalakad na kami ngayon papunta dun sa camp.

"Okay guys.. so magkagrupo tayo right? but we prepare something para mas masaya" si Shara may inaanounce ito at may hawak na papel.

Ipinasa nya sa amin yung papel. Nakalagay dito yung mga makakasama namin buong magdamag.

"But sis, diba ito na yung grupo natin?" tanong sa kanya ni Sarah.

"Yeah at masyado tayong marami, since three sections to" napahilot ng ulo si Shara.

"Tapos ako pa ang inassign na leader.. mababaliw ako nito Twinnie maraming pasaway, maraming KJ at may plano tayo right?" bulong nito.

Napatingin ako sa grupo ko.

Group 6
Lead: Kein
Kiana
Sarah
Fiona
Xiara
Haidi
Vianca
...

Marami pa sila.. balewala lang sa akin ang mga plano nila basta walang mapahamak ay okay lang.

"Kia.."

"Haidi magkagrupo tayo oh" tumango sya sa akin at niyakap nya ako.

"Yeah.. Ang saya nga eh at madami tayo hindi nakakatakot" sabi nya sa akin.

Nagsimula na kaming lumipat ng Camp kung nasaan ang mga kagrupo namin, pero hindi naman kami magkakalayo dahil nga buong grupo pa rin naman kami.

-----

Pumasok ako sa Tent namin medyo malaki laki ito..

Inayos ko ung gamit ko, at nakaayos na din ang pwesto ko. Naka Jogging pants ako at naka jacket mas gusto ko kasi yung ganito mas nakakagalaw ako ng maayos.

"Kia.. sayo na lang to oh" may ibinigay na tali sa buhok sa akin si Haidi.

"Salamat.." ngumiti sya sa akin.

"lagi ka na lang kasing nakalugay.. medyo mainit talian mo yung buhok mo para di ka gaanong mainitan" sabay nakaming lumabas ng tent.

"Wow Kia.. ngayon lang kita nakitang nakatali ah" sabi sa akin ni Sarah..

Nginitian ko sya..

Maya maya lang ay nagsimula na ang activities na gagawin namin..

Binigyan kami ng mga papers para alam namin ang flow..

Ininform na din ni Shara ang mga Teachers tungkol dun sa division..

And ginawan na nila ng paraan, nag-assign nalang sila ng mga Leaders. Nainis pa nga si Shara dahil pwede naman palang ganun bakit nagmamakahirap pa sila.

Pero Kinausap kami ng mga ito na Walang kahit sino ang magsasalita tungkol sa nangyari.

Naka-upo ako dito sa may mattings na inilagay nila. Medyo madami pang salita ang mga Teachers dun sa stage sa harapan namin.

May naramdaman ako kumalabit sa akin sa likod.

Napalingon ako pero wala namang tao..

Bigla akong kinabahan.. Please.. ayaw ko na..

humarap ulit ako sa stage..

May naramdaman ulit ako pero hindi ko na lang ito pinansin..

Naramdaman kong uulit na naman ito ng bigla akong lumingon..

"Sh*t! Nakakagulat ka!" sabi pa nito sa akin. Nakahawak sya sa bandang dibdib nya.

Sinamaan ko sya ng tingin..

"Ikaw pa talaga ang nagulat?!Kung gusto mong mangtrip wag ako" sinabi ko sa kanya. Humarap na lang ulit ako sa stage..

"Wala ka ata sa mood Kia" Si Kein umupo sya sa tabi ko..

"Bakit mo ba ako kinakausap?" sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin.

"Wala lang, masama bang makipagusap sayo? Btw, sasama ka ba kila Shara?" tumingin ako sa kanya..

"Oo.."

"Kung ako sayo wag na, delikado yung gagawin nila pano na lang kung sumaktong makita nila yung killer diba?" bulong nya sa akin.

"Alam mo bakit ka ba nakikialam?__ At sa Pagkakaalam ko isa ka sa nagplano nun" sabi ko sa kanya.

"Yeah, Ugh nevermind.. s-sige aalis na ko" napakamot na lang ito ng ulo habang papaalis.

Weird..

------

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon