Chapter 30

24 2 0
                                    

----- 💀
Kia's PoV

"Hmm? My sinasabi ka Kia?" Tanong sa akin ni Ayumi.

"W-wala parang may nakita lang ako" nagsimula na ulit kaming maglakad.

Pagdating namin sa bahay.

"Kiana my Loves! Aalis muna ako ah, may bibilhin lang ako" sabi ni Ayumi. Tumango naman ako.

Saktong pag-alis ni Ayumi biglang tumunog yung Cellphone ko.

"Hello?"

"Mag-isa ka lang?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Bakit? Sino ba to?" Nakakunot noo kong sagot.

"Hindi mo ba alam na ang pagpatay mo sa ibang tao ay parang pinapatay mo na din ang sarili mo?" Sabi nito sa akin. Nakangisi ako. Isa na namang tanga.

"Sabihin mo kung sino ka!" Sabi ko.

"Kia.. Kia.. Tulungan mo kami" biglang nagbago ang boses na nasa kabilang linya.

Inilayo ko ang Cellphone sa tenga ko. Maingay.. Napakasakit nito sa tenga.

"Hindi ko kayo matutulungan.. Sinong Kia?" Napangisi ako.

"Ikaw Kia! Tulungan mo kami!" Nakakakilabot, nakakapagpatayo ng balahibo. Yun ang masasabi ko sa mga boses na aking naririnig.

"Matagal na syang Patay!" Sigaw ko.

"Hinding-hindi mo matatakasan ang katotohanan Kia!" Bumalik na naman yung boses nung tao kanina.

Bigla na lamang namatay ang Cellphone ko. Low bat.

Kia!? Kiana!?

Ikaw!

Ikaw na nagbabasa nito! Sinong Kia? Sino si Kiana!?

Wala na sya.. Matagal na syang patay.. Pinatay ko na sya..

Hindi nyo ba naaalala?

Naaalala nyo ba ang isang beses na tumingin sya sa mga mata ko? Hindi?

Bakit?

Kahit kailan ba hindi nyo sinubukang tumingin sa inyong salamin?

Pero hindi yun ginawa ni Kia.. nakakagalit.

Ngayon ko lang naramdaman ang saya..

Ako na si Kia.. Kinuha ko na ang katawang ito.

"Sa pagpatay ko ng mga tao, buhay ko ang magiging premyo"

Nasubukan mo bang humiga at nasa direksyon ng paa nyo ang Salamin?

Ngayon, hindi mo pa rin ba nakikita ang sarili mo?

Paano kung hawakan ko ang mga paa mo?

Ano nga bang gagawin mo?

Si Kia.. Katulad ka din ni Kia. Hindi ka ganun ka focus sa mga nangyayari sa paligid mo.

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon