------ 💀
3rd PoV
Nagising na lang si Kelvin sa isang abandonadong Kwarto.
Alam nyang nasa Loob pa din sya ng Kanilang eskwelahan dahil minsan na nila itong pinasok dati.
Dahan dahan syang Umupo dahil sa sakit na naramdaman nya sa kanyang Ulo.
Pagkahawak nya dito ay May dugo ito.
Napatingin sya sa kanyang paligid. May ilaw dito at nanggagaling ito sa Mga Kandila.
Dahan dahang Tumayo si Kelvin para hindi sya makagawa ng anong mang ingay. Ito na nga siguro yung Killer..
'Mamamatay na din ba ako.. papatayin na din ba nya ako?' tanong ni Kelvin sa kaniyang sarili.
Nakayuko sya habang papalapit sya sa pinanggagalingan ng mga nakasinding Kandila.
Nang makalapit sya dito ay wala syang taong nakita.
Kaya napahinga sya nang maluwag. Nawala lahat ng kaba nya kaya agad syang tumayo ng tuwid.
Madaming nagkalat na mga Newspaper sa Lamesa nito.
Kinuha niya ito. May mangilan-ngilang Patak ng dugo ito.
"Kia?" Napatingin sya sa Litratong nasa Dyaryo. Napakunot ang noo nya at puno nang tanong ang nasa isipan nya.
'Bakit nandito si Kia?'
'Bakit Puno ng Sugat ang buo nyang katawan?'
'Kailan to nangyari?'
at..
'Bakit ang nakalagay dito ay patay na sya?'
Kalokohan. Agad itong ibinaba ni Kelvin. Hindi sya naniniwala sa nakasulat sa dyaryo. Dahil Kitang kita ng mga mata niya na buhay ito.
*clap *clap *clap..
Napatayo ng tuwid si Kelvin. Nanlaki ang mga mata nya dahil sa lumamig bigla ang kanyang pakiramdam.
Nakarinig sya ng mga palakpak.. Palipat-lipat.. kaya sinundan nya ang tunog na yun habang pinapakinggan ito. Hindi sya makagalaw sa kanyang pwesto.
"Hindi ka pa rin nagbabago.. Tanga ka pa rin"
Narinig ni Kelvin ang boses na yun. Boses na matagal na nyang kinamumuhian.. at ayaw na nyang marinig kahit kailan.
"S-sino ka?!" tanong ni Kelvin.
"Oh really.. Hindi mo ba ako nakikilala?.. O sadyang kinalimutan mo na?"
*Evil Laugh*
Nangilabot si Kelvin sa tawa nito. Tawang demonyo ang paraan ng pagtawa nito.
"Sino ka nga sabi! Hindi kita Kilala! Kaya magpakita ka sa akin!"
Sigaw ni Kelvin. Biglang tumahimik..
Nagpaikot ikot ang paningin ni Kelvin dahil nangangamba sya na ano mang oras ay bigla itong lilitaw at pagtatagain sya.
"Bakit hindi ka magpakita sa akin!.. Naduduwag ka ba? hah!" Napahawak pa sa bewang si Kelvin.
*Evil Laugh*
"Sigurado ka ba sa hinihiling mo?"
"Oo, Kaya lumabas ka dyan! Huwag kang magtago DUWAG!" Kumuha ng Pamalo si Kelvin.
"Baka pagsisihan mo"
Bigla na lang ulit Tumahimik..
Iyak. Iyak naman ngayon ang kanyang naririnig..
"Kahit kailan hindi ko naramdamang sumaya. Ikaw. Ikaw ang isang taong Pinagkatiwalaan ko. Taong Akala kong magiging akin. Taong Nagparamdaman ng mga bagay na kahit kailan alam kong Wala lang sa huli"
Napahinto si Kelvin sa Pag-iisip ng kanyang Susunod na gagawin dahil sa kanyang narinig.
"Argh!!" sigaw ni Kelvin.
Napahawak sya sa kanyang Ulo. Napakasakit nito parang Unti unti itong dinudurog.
Hanggang sa Napaluhod na sya. Unti unti din syang Nag-angat ng tingin.
Nasa harapan na nya ito.
-----

BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...