Chapter 13

22 3 0
                                    

----- 💀
Kia's PoV

"Kia, saan ka ba nanggaling?!" hinawakan ako ni Kein sa braso. Napatingin ako dun sa iba dahil parang may hinahanap sila.

"Dyan lang" sabi ko. Lumapit sa amin si Sarah.

"Kein hindi namin mahanap si Fiona" sabi ni Niya sa amin.

"Sh*t talaga!" Sabi ni Kein. Nagpatuloy kaming umakyat sa may hagdan papuntang second floor. Tinignan ko ulit ang Paang nakita ko kanina dun sa sahig malapit sa may hagdan.

Pero wala na yun doon. Nakapagtataka.. pero may bakas pa din ng dugo pero hindi naman namin to malinaw na makikita dahil madilim.

Nagpatuloy nalang ako sa pag-akyat..

"Oh nandito pala sila" sabi ni Sarah.

Nakita namin yung iba pang mga estudyante dito sa second floor. Mukhang wala namang problema.

"Oh.. Twinnie nandito pala kayo" nagtatawanan na lumapit sa amin sila Shara.

"Yeah, hinahanap namin yung mga kasama namin" Pagdadahilan ni Sarah.

"Ahh sila Xiara ba, nandito lang yun kanina.. Sumama na kayo sa amin. Mas mag-eenjoy kayo kaysa dyan" tinuro nya yung Card na hawak namin.

"Elia.. nandito ka lang din pala halika na nga dito.." Sabi nung isa.

"So guys mauna na kami, Kung gusto nyo sumama, sumunod lang kayo sa amin" sabi ni Kelvin. At nagpatuloy na sila Sa paglalakad.

Nagpatuloy na din kami sa paghahanap ng susunod naming Mission.

Nasa may dulo itong room.

-----

Pagpasok namin nung room ay madilim as in madilim talaga. Wala kaming makita.

Una akong Pumasok sa loob ng room at napakadilim talaga. Kaya inilibot ko ang Flashlight sa paligid pero..

Napaurong ako..

"Kia.."

Nakita ko sya. Pero agad syang nawala..

Nagimbal naman ako sa isa pang nahagip ng Flashlight ko.

Si Xiara NakaTape ang Bibig nito at wala na itong mga mata. Napatakip na lang ako ng bibig wala na syang Buhay.

Naka dikit sya sa may Pader. May nakatusok sa Tiyan nya na sirang Paa ng upuan.

Nanggaling doon ang dugong pumapatak sa sahig.

Sa pag-urong ko nabangga ko si Kein.

"W-wag ka nalang maingay, K-Kia halika na" bulong nya sa akin dahil alam kong nakita nya din ang nakita ko.

Hinawakan nya ang braso ko.

"Oh Tara na Kein, bakit aalis na agad kayo?" sabi ni Sarah.

"W-walang tao sa loob, bumalik na lang tayo sa baba" sabi ni Kein.

Nagtaka silang lahat.

"Kia bakit?" tanong sa akin ni Haidi. Umiling ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya. Dahil alam kong hindi sya maniniwalang wala lang yun..

"Napakaboring naman ng game na to" sabi ni Vianca.

Nakababa na kami papunta sa field kung saan dapat maraming naglalaro at ma-ingay.

"Nasaan na ang mga tao dito?" tanong ni Vianca.

Wala talagang katao-tao dito. Napalingon ako kay Vianca.

"Ayun may guard dun oh" sabi nya sa amin napatingin naman kami kung saan sya nakatingin..

May Guard nga doon. Pero parang ang bagal nitong maglakad.

"Tara puntahan natin" Sabi ni Sarah. Lumapit kami dun. Pero hindi pa kami nakalapit ng bigla itong lumingon sa amin.

Puno ng dugo Ang itsura nito. Halos hindi na rin namin ito mamukhaan.

Agad naman kaming hinarangan ni Kein.

"Ano yan?" sabi ni Vianca.

Nagulat kami ng biglang magsalita yung guard.

"T-t-tulungan nyo k-ko" sabi nito. Unti-unti itong lumalapit sa amin.

Habang kami ay umuurong lang.

Naramdaman kong nanginginig si Haidi. Agad kong tinakpan ang mata nya.

"Haidi, Ok lang nandito lang ako" sabi ko sa kanya.

"Ayy Shete!!" sabi ni Sarah.

Napalingon ako dun sa guard na nasa sahig na.

"Guys ano na bang nangyayari dito?" si Vianca na nakakapit na kay Kein.

"Sila Shara.." sabi ni Kein..

"Nasa panganib sila" dugtong nya.

"Yung killer, ibig sabihin nandito ang killer?" tanong ni Sarah.

-------

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon