----- 💀
Kia's PoVArgh!!
Tama na! Kia! Tama na!!
May Mata, May mga mata akong nakita, nakatingin ito sa akin.
Argh!!!! Ahhh!!! Sigaw.. Sigaw ko lang ang naririnig ko.
------"Kia!! Kia! gising!" Napabalikwas ako ng gising at hingal na hingal. Napalingon ako kay Haidi. Pero nagulat ako sa ginawa nito dahil ang iba ay dapat binibigyan ng tubig pero siya pinagpapalo nya ako.
"Hmm huhu Nakakainis ka talaga!" Mas lalo akong nagulat ng umiiyak na ito.
"B-bakit ka umiiyak? hoy!! aray! tigilan mo na nga ang pag palo! masakit ah!" reklamo ko.
"Huhu I hate you! Sabi ko sayo alagaan mo ang sarili mo eh nagpromise ka na di ba?" napatitig naman ako sa kanya.
"..Nagpramis ka na hindi ka na ulit magpapadala dito sa clinic!" Nagsorry ako sa kanya.
Ayaw na ayaw nyang nagpupunta dito sa clinic. Magkababata kami ni Haidi. Pero nung unang araw na pagpasok namin ng highschool ay unang beses na pareho kami ng School na pinapasukan.
Yun din ang araw na Pinaiyak ko sya dahil nahulog ako sa inaayat kong pader ng school nagtangka kasi akong magcut ng klase.
Naaalala ko pa ang Pagpapanic nya nun dahil dumudugo na ang tuhod, siko at pisngi ko at nahirapan akong makatayo.
Hindi ko pa alam noon na may phobia sya sa Ospital at clinic.
Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang ay sa Ospital o kaya sa Clinic nya huling nakita ang Magulang at kapatid nya. Siguro yun ang dahilan.
Naka labas na kami ng clinic ngayon.
"Sinumbong na kita sa kuya mo! Sabi ko hindi kana naman kumakain. Halika pumunta tayong Canteen at kainin mo yang pinadala nya sayo" hinila nya ako.
"Bakit mo pa ako sinumbong kung papakainin mo din naman ako"
----Pauwi ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni kuya.
"KIANA!! ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang magpalipas ng gutom?!" sermon nya sa akin. Pumasok ako sa kwarto ko.
Nandito na naman sya.
"Argh!" ang sakit ang sakit ng Puso ko.
dubdublubdub..
Nagulat ako ng biglang nag bukas ang music box ko.
Tumalikod ako at pinihit ang doorknob pero hindi ko ito mabuksan. Shet!
Kinakalabog ko ang pinto para sana marinig ako ni kuya. Pero alam ko namang hindi nya ako naririnig.
Nilingon ko sya agad..
"S-sino ka ba?!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi ko makita ang mukha nya. Pero pamilyar sa akin ang suot nya sa kanyang buhok.
Red Roses
Red dark roses..
-----
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...