Chapter 26

12 2 0
                                    

------💀
Kia's PoV

Hmm..

Napakadilim..

Nasaan na naman ako..

"Kia.."

Napalingon ako sa likod.

Bakit ba hindi mo pa rin ako nilulubayan?

Napahawak ako sa dibdib ko.

*sob

May umiiyak..

Humakbang ako ng dahan-dahan..
Natatakot ako dahil kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na yun.

May nakakapa akong bagay. Hindi ko malaman kung ano ito. Pero isa lang ang nasa isipan ko nasa pintuan ako. Hanggang sa pinihit ko ito.

Nasa isang gubat ako. Humakbang ako palayo mula sa pinanggalingan ko. Pero hindi pa ako nakakalayo bigla na lang nag-iba ang aking pakiramdam.

Lumingon ako sa likod ko. Babalik sana ako kung saan ako nanggaling. Pero puro puno na lang ang natanaw ko.

"Psstt.." May narinig ako.

Napalingon ako kung saan ko banda narinig yun.
.
.
.
May nakita akong isang Lalaki. Napahawak ako sa Bibig ko.

"A-ano to?" Napaurong ako. Hindi lang sya nag-iisa. Madami sila.

Ang iba ay nakasabit at sariwa pa ang mga dugong dumadaloy sa katawan nila. Yung Lalaki kanina.

Wala syang kaliwang mukha. Nakakatakot ang itsura nito. Para itong sinabuyan ng asido at Pinagtataga.

Napaupo ako at napayakap na lang ako sa tuhod ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Dahil kahit saan ako tumingin nandun sila.

Alam kong wala akong ginawang masama. Pero bakit ang sama ng tingin nila sa akin.

Sa pag-urong ko. Hindi ko inakalang may tatama sa likuran ko. Hindi ako lumingon.

Nanatili ako sa ganung posisyon. Dahan-dahan kong pinagapang ang kamay ko, sa bagay na nasa likuran ko.
.
.
.
Dahan-dahan..
.
.
.
Nang maramdaman ko kung ano yun ay lumuwag ang paghinga ko. Puno lang pala yun.

Pero sa Paglingon ko ay agad na tumapat sa mukha ko ang isang mukha na naaagnas na.
.
.
.
Biglang may humawak sa kamay ko.

"Ahhhh!!"

------
Nagising ako ng may naririnig akong kumakalabog sa ilalim ng kama ko.

Umupo ako habang kinukusot ko ang isa kong mata.

Masamang Panaginip na naman. Napakunot ang noo ko dahil sa pagalog ng kama ko kanina.

Yumuko ako at sinilip ko ang dahilan nun.
.
.
.
Nakita ko ang bagay na nasa ilalim ng kama ko. Isa itong Box, napakaluma na ng itsura nito. Binuksan ko ito.

Tumambad sa akin ang isang puting damit. Makaluma ang disenyo nito.
.
.
May mga cards sa loob nito at iba iba din ang disenyo.
.
.
Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga talulot ng Rosas na nasa loob nito.
-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon