Chapter 16

21 3 0
                                    

----- 💀
Kia's PoV

Nakuha ni Vianca ang atensyon ko.. Kasama sya sa mga tumatakbo.

"Vianca!!" Sigaw ko sa kanya. Hahabulin ko sana sya ng bigla akong hawakan ni Kein sa kamay.

"Wag kayong lalayo Please.." sabi nya.

"P-pero si Vianca" Nilingon ko uli si Vianca. Huminto ito sa pagtakbo.

Lumingon ito at tumingin sa akin. Nakangiti sya pero nakita ko ang pagdaloy ng Luha nya..

Hindi ko namalayang nakatapat sya sa bintana..

"Vianca Wag!!!" Sigaw ko uli. Nagpumiglas ako sa paghawak ni Kein. Pero napatigil ako..

Nakita ko ang Pamumula ng mata ni Vianca. Hindi ko na sya naabutan dahil hindi na ako sumubok uli na magpumiglas..

Tumalon sya mula sa Bintana.. Hindi, Hindi na sya Si Vianca..

Tumulo ang luha ko.. dahil kahit papaano at naging kaibigan ko din Si Vianca.

Nakalayo na ang ibang estudyante dahil wala na kaming narinig na pagtakbo.

Sinilip namin ang bintana kung saan tumalon si Vianca.

Napatakip ako sa bibig ko. Wasak ang Ulo nito at nagkalat ang dugo kahalo na ng mga dugo ng ibang estudyante..

May nakapalibot ditong mga talulot ng Rosas Ngunit hindi na ito kulay Pula..

Itim na ang Kulay nito at nasasapawan na lamang ito ng Mga dugo..

"Haidi!" Napalingon ako kay Haidi.

"Haidi huminga ka nang malalim.. makakaligtas tayo dito" sabi ni Kein.. Nanginginig na kasi si Haidi. Lumapit ako sa kanya..

Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa Bestfriend ko Si Haidi na lang ang Meron ako..

"Haidi Wag kang mag-alala, Di ba sabi ko sayo nandito lang ako" Niyakap ko sya.

"T*ng*na!!! Mamamatay tayong lahat dito!" sabi ni Kelvin..

"Gusto ko nang umalis dito.. " Sabi ni Aina..

"Wala tayong aasahan na makakalabas tayo ngayon dahil nakasirado ang Mga gate.. Kailangan pang magliwanag para may mahingian tayo ng tulong" sabi sa amin ni Kein.

"What?!" Sigaw ni Shara.

Tik tok tik tok.. Narinig namin ang Malakas na tunog ng isang Orasan.. Sinundan namin yun hindi na namin inisip ang kapahamakan sa pagsunod namin dito..

-----

Tik tok tik tok..

Sinundan namin kung saan nanggagaling ang tunog na ito.

Nakarating Kami sa Third floor ng Building kung saan nandun ang room namin.

Nanggaling ang tunog na ito sa Faculty..

Pagpasok namin doon nawala ang tulog na yun.

"Shara, ito ba yung sinasabi mong hahanapin natin yung Killer? Sa tingin ko hindi Tao yung hinahanap nating Killer" sabi ni Andia.

"Sinabi ko na sa inyo na Huwag nyo nang ituloy yan" sabi ni Kein. Napasabunot ito ng buhok.

"What? Kein nag-agree ka din kaya noh! at tsaka ikaw ang nagsimula nito" Nakahalukipkip si Shara habang sinasabi ito.

"Oo.. ako ang nagsimula noon, Pero ngayon.. Hindi, dahil sa..Kayo ang nagsuggest at nagbalak ng Killer Hunting na yan. Paano nga kung hindi multo ang Pumapatay paano kung tao.. Pero pinaglalaruan lang tayo. Hindi ba mas dapat tayong natatakot sa tao kaysa sa multo?" sabi ni Kein.

"Eh? ano bang pinagkaiba nun.. Mas masaya kung Totoo ang hinahanap natin diba? kaysa sa Imaginary yung tipong ginawa natin dati.. Ghost Hunting? It's so boring kaya.. Nakikisama lang kami sayo dahil ayaw naming mapahiya ka" si Shara..

"Hey! Guys! Tama na yan.. Hindi to oras nang pag-aaway" awat ni Sarah.

"I never said na ituloy natin yun.. NagJo-Joke lang ako ng mga oras na yun.. kung sa tingin mo ay boring yun then bakit Sumali ka pa diba?" Sabi ni Kein.

"Kein, Tumigil ka na.. ang bakla mong pakinggan" Si Sarah..

"Tsk.. Ang iingay nyo!" Reklamo ni Kelvin..

Napahinto sila ng Biglang Nagsi-Hulog ang mga papel na nasa Cabinet.

"Hey.. look bakit may itinatago silang mga ganito? Newspapers?" Sabi ni Aina habang pinupulot yun.

"Baka pinapahalagahan lang nila.. Eww!!" Napatingin ako dun sa newspaper na hawak ni Haidi.

May litrato ito ng isang Babae.. pero Halos hindi na ito Makilala dahil sa puno na ito ng sugat sa mukha pati na din ang buo nitong katawan.

"Dito yan diba? Sabi nila Binully daw yang girl na yan kaya nagpakamatay pero grabe noh!? tignan nyo yung mga sugat impossible namang ginawa nya yan sa sarili nya" sabi ni Andia.

"Possible.. lalo na kapag may malaking rason kung bakit nya ginawa yan" sabi ko.

"Wait guys.. Nasaan si Kelvs?" tanong ni Shara.

----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon