----- 💀
3rd POV
Nagmadaling nag-ayos si Kia sa kanyang sarili. Malalate na kasi sya sa school nya.
Nang makarating sya sa school. Agad syang hinarangan ng guard. Kumunot agad ang noo nya.
"Bawal ng pumasok.. late na kayo dyan lang kayo sa gate at antayin nyo ang Principal bago kayo makapasok" sabi ng guard sa kanila.
Inikutan nya ito ng mata. Talagang malalate na sila dahil hinaharangan sila nito. Pwede pa naman silang makahabol habang nakapila ang mga estudyanteng papasok palang sa kani-kanilang room.
Wala silang nagawa kung hindi ay tumunganga na lang, dahil alam na nila ang mangyayari pagdumating ang principal bubungangaan na naman sila nito.
Napalingon silang lahat ng may pumaradang sasakyan sa tapat ng gate.
Sydney Camsuela
Matalim na tinignan ito ni Kia. Kilala kasi itong hambog sa school nila. Akala mo kung sinong mayaman eh ampon naman. Sa isip isip ni Kia.
Dahil sa nakapila sila sa may gate. Talagang nakaharang sila dito, pinagbabangga nito ang mga nadadaanan niya.
"Oh Kia Late ka na.." sabi nito kay Kia habang nakangisi.
Gusto nya sana itong sagutin, kung hindi lang dahil sa inaasta nito ay Walang wala to sa mga estudyanteng nasa school nila. Mahina to at pera lang ang pinangtatapat nito.
Pinadaan ito ng guard at nagdire-diretso na ito papasok. Mas lalo syang nainis dahil dapat hindi ito pinapasok ng guard dahil late na din ito.
----------Nakapasok na siya sa room nila. Nakasalubong nya pa nga si Sydney at puro mahahangin na salita lang ang narinig nya mula dito.
Pagkapasok nya ng room nila ay nagtuturo na ang Teacher nila. Hindi sya napansin nitong pumasok kaya hindi sya nito nasermonan.
Tahimik ang buong klase. Nababagot na si Kia kaya napakalumbaba na lang sya habang nakatingin sa Teacher nila.
Breaktime..
Hindi pa sila nakakalabas ng room ng bilang may magsigawan sa labas..
Nagsilabasan silang lahat dahil sa ingay nito.
"Anong nangyari?" Tanong ng isang Teacher.
"Wala hong nakakita.. kaya hindi ho namin alam kung ano pong nangyari" Sabi ng isang estudyante.
Nagsisiksikan ang mga estudyante at panay takip sa ilong ang mga ito. Nagpumilit na makakita si Kia sa pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
Agad na sumalubong sa ilong nya ang masangsang na amoy nito.
Si Sydney nakahiga sa Mesa at may nakatusok dito na elesi ng electric fan, bakal ito at halatang ito ang ginamit na pangpatay dito.
------
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...