----- 💀
Kia's PoV
Dali-dali kaming nagtakbuhan papunta sa pinanggalingan ng ingay.
"Ahhhh!! MY PHONEEE!!" si Elia lang pala.
"ELIA! Bakit ka ba sumisigaw?" tanong sa kanya ni Fiona.
Tumingin naman ito sa amin.
"Look oh yung phone ko naging tatlo na!" pinulot nya yung Cellphone nya.
"Elia nasaan na yung iba bakit ikaw nalang mag-isa dito?" tanong ni Sarah.
"Ayun na nga Iniwan nila ako, at ang nakakastress pa dito.. May ibang estudyante na nagtatakbuhan dito kanina tapos binangga pa nila ako" Reklamo nya.
Pumunta naman si Vianca sa may bintana.
"Akala ko ba nagsstart na din ang Game sa field? bakit parang walang tao?" sabi nya sa amin.
"Baka naman tapos na" sabi ni Sarah.
"Tapos na? pero bakit parang wala ni isang estudyante dun?" tanong ni Vianca.
Nasa Second floor kami ngayon. Dalawang building ang ginamit namin. Since First and Second floor lang ang pwede naming gamitin. Sa bawat building na yun.
"Elia, saan mo huling nakitang nagtatakbuhan yung ibang estudyante?" tanong ni Kein. Itinuro naman ni Elia yung sa may hagdan.
Bigla namang pinalo ni Vianca yung kamay ni Elia.
"Hoy! Hindi ka dapat nanduduro lalo na pag gabi! Masama kaya yan" sabi ni Vianca.
"Ano ba yan Vianca, Naniniwala ka pa din sa ganun?" Sabi naman ni Fiona.
"Nagtatanong kayo, at sinagot ko lang.." sabi naman ni Elia at nakasimangot na ito.
"Kagatin mo na lang yung daliri na pinanturo mo" sabi naman ni Vianca.
"What?! No! Ang Dumi kaya ng kamay ko.. Eww" Sabi naman ni Elia.
Habang nagtatalo sila. Tumingin ako sa may hagdan kung saan sinabi ni Elia na huli nyang nakita ang ibang estudyante.
Papunta na ito sa third floor. Bakit may mga estudyante talagang matigas ang bungo?
Naglakad naman ako papunta dun sa may hagdan dahil parang may nakikita ako na hindi ko gaanong makita dahil malayo ito.
"Kia? Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Haidi.
"Dito ka lang" sabi ko sa kanya.
"Sasama ako" sabi nya naman sa akin. Ang kulit talaga..
Pumunta ako sa may hagdan. Pero laking gulat ko ng may naapakan ako.
Isa itong putol na paa. Napaurong naman ako.
Bakit may Paa dito?--Mukhang bago pa lang ito.May nakita naman akong Tao? hindi ko alam pero nakita ko itong Paakyat ng Hagdan.
Umupo ako at tinapatan ko yung paa na nakita ko. Bakit may ganito dito? Sinipat ko ito dahil baka Props lang pero hindi talaga eh.
"Kia?" Narinig ko naman si Haidi. Paniguradong sisigaw sya kapag nakita nya ito.
Nakita kong papalapit na sya sa akin.
"Haidi, tara na!" hinila ko na ulit sya pabalik sa mga kasama namin.
"Bakit? anong meron dun?" tanong nya.
"Ahh Wala.. Tinignan ko lang ung sa may hagdan" sabi ko sa kanya.
Bumalik na kami kung nasaan ang iba. Nung pagbalik namin Parang Nagkakagulo na sila.
-----
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...