Chapter 23

19 2 0
                                    

------💀
3rd PoV

Kiana..

Kia.. Gumising ka..

"Umm.." Dahan-dahang iminulat ni Kia ang mga mata nya..

Bahagya pa syang nasilaw sa pagtama ng liwanag sa kanyang mata. Puro puti at may mga gamot sa kanyang tabi..

Alam nyang nasa Ospital sya dahil nakikita nya ang mga doktor at nurse na pabalik-balik, sa may salamin..

Umupo sya mula sa Pagkakahiga nya sa hospital bed.

Inilibot nya ang mata nya sa kanyang Paligid. Unang napansin nya ay ang suot nyang Hospital gown..

Hindi sya nagtaka na ito ang kanyang suot dahil nasa ospital sya. Pero ang pinagtataka nya ay kung bakit may bahid ito ng dugo..

Nasa bandang braso nya ito.

Hugis Kamay ito.. at yun lang ang may dugo, ang kumot at iba pang bagay na nandun sa tabi nya ay malinis naman.

Ipinikit nya ulit ang kanyang mga mata.

Inalala nya ang mga nangyari..

2 years ago..

Ang babaeng yun.. si Kia..

Hindi ito nagbibiro ng sabihin nyang sila ay iisa..

Pero hindi mawala sa isipan ni Kia, ang pangyayaring wala na ang kanyang mga kaibigan.

Hindi din nahanap ang bangkay ng mga ito. Pero sa mga taong lumipas, ay hindi na ito nagpakita pa.

Napakunot ang noo ni Kia ng may narinig syang patak ng tubig. Napadilat ulit sya at napatingin sa paligid nya.

Dubdublubdub.. ang bilis ng tibok ng puso nya.. Napayuko sya at may mga bakas ng dugo na hugis paa sa sahig..

Hindi nya ito inalala..dahil sa kanyang nararamdaman sa kanyang dibdib..

Napapikit sya habang nakahawak sya sa kanyang dibdib.. Napakasakit nito. Hindi nya aakalaing mararamdaman nya ulit ito.

Ang huling beses na naramdaman nya, ang pananakit ng dibdib nya ay 2 years ago pa..

Maya-maya ay nawala na din ang sakit ng dibdib nya. Nagmulat sya ulit ng mata.

Ibinaba nya ang kanyang kamay, nakita nya ang isang bagay na hindi nya pinagsisihang gawin.

Hinimas nya ang kanyang pulso kung saan merong benda.

Lagi nya itong ginagawa. Gusto nyang tumakas sa kanyang nakaraang laging bumabalik sa kanyang isipan.

Gusto nyang tapusin ang kanyang buhay. Pero kasabay nun ang takot..

Takot na matulad sya sa babaeng nasa alaala nya.

Habang hinihimas ito ni Kia, ay may nakita syang isang pulang rosas sa bandang paanan nya.

Kinuha nya ito. Napangisi sya..

"Sa wakas, nasa akin na rin ang Katawang ito" sabi ni Kia.

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon