Chapter 28

21 2 0
                                    

-----💀
Kia's PoV

"Kia.." Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang sumulpot sa harap ng pinto si Ayumi.

"B-Bakit?" Tanong ko sa kanya. Lumabas na din ako ng kwarto at sinarado ko na ang pinto.

"Di mo ko nirereplyan" ngumuso ito. Hindi ko na lang ito pinansin. Sumunod na sya sa akin at sabay na kaming pumasok ng School.
---
School

Napakadaming Estudyante pagkapasok namin sa hallway. Nagpalibot-libot muna kami ni Ayumi.

"Tara, Kia!" Hinila nya ako papunta sa wala gaanong tao.

"Anong gagawin natin dito?" nagulat ako ng may inilabas syang stick ng sigarilyo.

"Maraming nagbago sa paglipas ng Panahon, noh? Kiana my loves.." ngumiti sya sa akin bago ito sinindihan.

Tama nga sya, sa Paglipas nang panahon maraming bagay ang pwedeng magbago. Dahil hindi lang naman ang panahon ang may karapatang magbago. Kasama na doon tayong mga tao.

Pumasok na uli kami sa Hallway. Nakakapanibago, hindi ito katulad ng Eskwelahan ko noon. Napaka-maaliwalas ang paligid nito.

Pero kagaya nga nung sinabi ko lahat pwedeng magbago.

"Aray!" Reklamo ni Ayu. Natumba kasi ako dahil dun sa mga lalaking nagtatakbuhan.

"Ano ba? Nakaharang ka kasi!" sabi nila sa kanya. Tinulungan naman ko naman si Ayumi tumayo.

"Tsk.. First day palang natin. Sinalubong agad tayo ng mga estudyanteng galing zoo" sabi ni Ayumi nung nakatayo na sya.

"Okay ka lang?" tanong ko. Tumango lang sya sa akin.

"Kiana my loves! antayin mo ko mamaya ah!" sabi nya sa akin.

Pumasok na kami sa room namin. Wala naman masyadong ginawa at maaga din kaming pinalabas.

Sumilip muna ako sa Room nila Ayumi. Mukhang hindi pa sila pinapalabas. Nagpunta muna ako sa C.R.

Pagpasok ko wala namang tao. Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Marami ngang nagbago..

Binuksan ko ang Bag ko. Napangiti ako. Namiss ko nang gawin ang bagay na to.

Isa itong kutsilyo..Hinawakan ko ito na para bang sobrang tagal na simula nang nahawakan ko to ulit.

Tinatago ko ito. Ewan ko ba kung bakit hindi ito makumpiska. Siguro dahil tanga sila at hindi nila ito nakikita.

Tumingin uli ako sa salamin. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko ng may salamin sa kwarto ko.

Kapag tumingin ako sa kaliwa ko. Normal lang ang nakikita ko. Kapag timingin ako sa kanan. Nakikita ko naman ang sarili ko.
.
.
Sarili kong puno nang Lungkot at Awa sa mga taong pwedeng mawala. Ngumiti na lang ako habang tinititigan ko ang dugong dumadaloy sa aking mukha.

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon