Chapter 22

19 2 0
                                    

------ 💀

Kia's PoV

Hiningal kami sa pagtakbo. Umiiyak na lamang si Haidi.

Hindi ko alam kung paano namin ito mapipigilan. Ayaw kung maniwala, na ang tanging paraan para mabuhay, ay Papatayin ko ang kaibigan ko.

Hinding-hindi ko gagawin yun. Dahil sa oras na gawin ko yun. Parang pinatunayan ko na ding, ako sya.

"Kia.. hindi nyo ako matatakasan" narinig kong sinasabi nya.

Papunta na sana kami sa may Hagdan. Nakita namin si Kelvin na hirap na hirap sa pag-akyat.

Nakita nya ako. Tutulungan ko sana syang tumayo. Pero nakita kong may hawak syang kutsilyo. Puno ito ng dugo.

"Kia.." Napatingin sya sa akin.

Umurong ako. Naramdaman kong hinawakan ako ni Kein sa braso ko.

"Kia.. Kasalanan mo ang lahat ng ito!" Naka-akyat na siya ng tuluyan. Nanlaki ang mata ko dahil putol na ang isa nyang binti. May dugong umaagos dito.

Nakangisi sya sa amin. Nakakatakot, para syang nababaliw..

Nakalapit sya sa amin. Tinitigan nya ako ng masama, akma nya akong sasaksakin ng Kutsilyo.
Nang bigla itong suntukin ni Kein sa Pisngi.

Napaupo ito. Hirap na din itong tumayo. Pero sinusubukan nya pa rin.

"Kein.. Wag kang sasama sa kanya, Nasa kapahamakan ang buhay natin dahil sa Kanya!" tumawa sya ng parang baliw.

Napatakip ako ng bibig ng bigla nyang saksakin ang kanyang sarili.

Kasabay nun ang pagsigaw ni Haidi.

"Ahhhh!!!!" Sigaw ni Haidi. Agad kong hinawakan ang kanyang kamay.

Hinila ako ni Kein at Tumakbo kami papalayo kay Kelvin.

Nakakapit ako sa Tshirt ni Kein..

"K-Kia" napatingin ako sa kanya. Naawa ako sa itsura ni Kein dahil puro pasa na ang mukha nya. Dahil ito sa ginawa sa kanya ni Kiana..

"Kein.. Please wag kang bibitaw.." Hinawakan ko ang kamay nya.

"Hah! sa buhay dapat wala kang pinagkakatiwalaan.. lalo na ang mga tao..
dahil likas sa tao ang magsinungaling at magloko ng kapwa.. Kia oh Kia! Nakakasiguro ka bang mapagkakatiwalaan mo si Kein!?" Batid sa boses nito ang galit.

Bigla na lang akong iwinaksi ni Kein. Parang nagslow motion ang paligid ko.

*slow motion*

Mabagal ang bawat galaw pero malinaw ang mga pangyayari. Kitang-Kita ko ang Pagbabago ng itsura ni Kein. Galit na galit itong tumingin sa akin.

Unti unti din akong napalingon kay Haidi. Bumitaw na din sya sa mga kamay ko. Huminto sya sa pagtakbo.

Kitang-kita ko ang Pag-ngisi nya.

May kung anong bagay ang tumama sa akin.

Kasabay nun, Nakita ko ang paglapit sa akin ni Kia..

Nakangiti sya. Unti-Unti nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Naramdaman ko ang sakit ng Ulo ko. napakahapdi nito.

Dubdublubdub..

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa paglapit ng mukha nya ay pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Pero hindi ko ito magawa.

"Kia.."

Bigla na lamang dumilim ang paligid ko.

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon