Chapter 24

14 2 0
                                    

-----💀
Kia's PoV

Umm..

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Napahawak ako sa aking ulo..

Napakasakit nito..

Nanaginip na naman ako tungkol sa kanya..

Bakit ba hindi na lang nya ako lubayan. Matagal na, simula nung pangyayari na yun.

Pero laging bumabalik sa isip ko ang mga nangyari at lagi ko syang napapanaginipan..

3rd PoV

Flashback~

Kitang kita ni Kia ang paglapit nito sa kanyang mukha. Nakangisi ito.

Pinilit ni Kia na ipikit ang kanyang mga mata. Kahit wala naman syang nakikita sa mukha ni Kia maliban sa Ilong at bibig nito. Natatakot lang siguro sya na tumingin sa mga Mata nito.

Mga Matang kahit kailan ay hindi niya pa nakikita. Sa paglapit ng mukha ni Kia sa kanya..

Bigla na lamang nagdilim ang paningin ni Kiana..

Natapos ang lahat. Nagliwanag na at dumating na rin ang mga Staff ng Kanilang eskuwelahan.

Marami ang umiyak, nagluksa sa pagkamatay ng kanilang mga anak at Kaanak.

Ipinasara ang kanilang Eskuwelahan. Nalugi ang May-ari ng Kanilang Paaralan, dahil halos lahat ng mga kahati nito sa kanyang business ay mga Magulang ng mga Estudyanteng namatay.

Tanging si Kiana lamang ang nakaligtas sa pangyayari. Hindi nila ito kinuwesyon dahil halos hindi na makilala ang itsura ni Kia ng matagpuan nila ito.

Puno ito ng sugat at halos Impossible ng mabuhay kung tutuusin..

Nang Magising si Kia ang una nyang itinanong ay kung nasaan ang dalawa nyang Kaibigan.

Si Kein at Haidi, dahil hindi nya alam kung nakaligtas ito o hindi. Nang nabalitaan nyang hindi nakita ang bangkay ng mga ito, ay labis syang nag-alala dahil natapos na ang Imbestigasyon ay wala na syang nabalitan sa dalawa.
----
Kia's PoV

"Kiana! My loves!!" Niyakap ako ni Ayumi. Pinsan ko sya. Nandito ako sa Bahay ng Tita at Tito ko.

Nung natapos ung mga pangyayari. Lumayo na ako sa lugar na yun. Gusto kong Makalimot.

Tumawag ako sa kanila, kahit na ayaw kong humingi ng tulong ay ginawa ko pa rin.

Binigyan ko na ng Maayos na Libing si Kuya. Ipinahukay ko ito sa kung saan kami nakatira at ipinalibing ko sya. Kahit man lang sa Paglibing sa kanya ay maipakita ko ang paghingi ko ng tawad.

Ngunit ng mailibing si Kuya ay hindi ko na nakita ang isa nyang Kamay. Hindi ito nakasama sa kanyang puntod.

"Kiana.. Hoy!" Nagulat ako ng biglang pumitik-pitik si Ayumi sa harap ng mukha ko.

"Bakit ba?" Tanong ko sa kanya. May ipinakita syang papel sa akin.

"Yieee!!! Kiana My Loves!! Nakapasa ako!! Magkaschool mate na tayo!!" Pumapalak-pak sya. Nakapasa din kasi sya sa Entrance Exam..

Since Scholar na ako ay walang kahirap hirap akong nakapasok sa bagong University na yun.

Ang Yeong University..

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon