Chapter 25

18 2 0
                                    

-----💀
Ayumi's PoV

I miss Kiana..

Close talaga kami. Hindi dahil sa magpinsan, Magkababata din kasi kami kasama namin si Haidi.

Ngayon lang kami ulit nagkita since Elementary days. Yun yung araw na pumunta kami sa ibang bansa.

Nagpa-iwan dito si Kiana dahil gusto nyang may mapatunayan sya sa sarili nya. Hindi ko alam kung bakit, Malayo ang loob nya kila Mama at Papa.

My Mom at ang Nanay ni Kia ang Magkapatid. Sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa si Tita, pero may sarili na itong pamilya. Si tito naman, I don't know kung saang lupalop na ng mundo.

Hindi ko labis na kilala ang ugali ni Kiana. Lagi kasi syang mag-isa. Laging May Kausap. Inakala ko pa nga nun na Baliw sya pero hindi naman pala.

Nagkakaroon lang sya ng mga Imaginary Friends since hindi nya naman kami kinakausap. Pero kahit ganun.. Inaapproach ko pa rin naman sya.

Hanggang sa naging Malapit kami sa isa't-isa. Then, biglang nag-iba.. nung time na sinabi ko sa kanya na aalis kami. Biglang nagbago ang ugali nya.

Pero this past few months nagkaroon kami ng kontak at kahit papaano hindi ko nakalimutan na may pinag-samahan kami.

Pero parang iba sya sa Kiana na nakilala ko. Hindi na sya nakikipag-usap sa akin. Lagi na lang syang nakatulala.

Siguro dahil yun sa naranasan nya dun sa dati nyang school.

Kaya naman lagi ko syang kinukulit para naman bumalik na yung dati nyang sigla.

"Ayu, Ano to?" Nakakunot ang noo nya. Ibinigay ko kasi sa kanya ung ginawa kong Bracelet.

"Hindi mo ba naaalala?__ diba mahilig tayong gumawa ng ganyan nung maliliit pa tayo" ngumiti ako. Kinuha ko sa kamay nya yung bracelet at isinuot ko ito sa kanya..

"Anong nangyari dito?" May nakita akong sugat sa wrist nya.

"Wala yan, Wag mo nang pansinin yan" binawi nya ung kamay nya.

"Kiana.." Tumingin na lang ako sa kanya. Binalik na nya ang atensyon nya sa T.V

"Kiana My Loves..Wag kang mag-alala, Wala ng mangyayaring masama.. Nandito ako oh!" Ipinakita ko ang braso ko.

"Tignan mo Kia.. May muscle ako oh!" Tinapik tapik ko pa ito. Pero hindi sya tumingin sa akin.

Naiwan na lang akong nagsalita mag-isa dahil hindi na sya nakikinig sa akin.

"Wag kang magsabi ng Ganyan kung hindi mo naman kayang gawin" muntik pa akong mapatalon sa gulat ng bigla syang nagsalita.

Nabigla ako ng Umiyak na sya.

"Sinabi ko na din yan dati, pero hindi ko naproteksyonan ang mga kaibigan ko" niyakap ko sya at hinayaang umiyak sa dibdib ko.

Hindi ko man alam ang buong pangyayari. Kung ano Ang Naganap sa eskuwelahan na yun..

Pero ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Kiana sa bawat paghagulgol nya.

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon