----- 💀
Kia's PoVTumingin ako sa may pintuan at nakita ko si Haidi.
"Kia!" kumakaway lang sya dun.
"Haidi halika dito!" tawag sa kanya ni Sarah.
Ikinuwento nila Sarah ang plano nila kay Haidi. Sa simula pa lang pareho na agad kami ni Haidi na hindi sang-ayon sa kanila.
Natapos lang ang Usapan nila ng magring yung bell. Uwian na namin.
"Kia.. narinig mo ba yung sinasabi nila?" umupo sya sa tabi ko. Habang pinapanood akong magligpit ng gamit.
"Oo" sagot ko sa kanya.
"Parang ayaw ko tuloy sumama" sabi nya sa akin.
"Wag kang mag-alala nandun naman ako at tsaka kahit naman umayaw ako hindi ko pa rin magagawa dahil sa scholar ako, kailangan hindi ako magskip sa mga activities kung hindi mawawala yun" sabi ko sa kanya.
"I know pero nag-aalala kasi ako dahil dun sa plano nila. Last year kasi nakisama ako sa kanila dahil biruan lang naman.. tapos may mga pangtri-trip sila ginawa dun sa mga-KJ" nakalabas na kami ng room.
"Edi makisama na lang din tayo.." sabi ko sa kanya. Kaya napabuntong hininga na lang sya.
"Kaysa naman na pagtripan nila tayo.. kunyare gusto natin yung nangyayari pero hindi tayo makikialam sa kanila" sinabi ko sa kanya.
Kahit naman kasi ako kinakabahan. Hindi ko alam kung tao pa ba ang hahanapin namin.
-----Maaga akong pumasok ngayong araw.
"Kia! Good morning!" si Haidi at may dala dala itong dyaryo.
"Haidi Good morning din" ngumiti ako sa kanya..
"Halika May sasabihin ako sayo" hinila na ako sa tabi ng locker ko.
"Tignan mo to, oh wait basahin mo pala" Binasa ko yung part na tinuturo nya.
Napakunot ang noo ko. Hindi naman kasi ako makarelate sa pinapabasa nya.
"Okay.. Alam kong di mo nagets ung pinapagawa ko" Huminga siya nang malalim bago siya nag simulang magkwento.
"Ganito kasi yun.. Diba Last week may krimen na nangyari dito sa school, ito tignan mo yung date ng dyaryo na to.. ito yung mga dyaryo pagkatapos ng mga nangyari.. diba dapat ibinalita yun? at wala din akong narinig na kahit na anong balita sa radyo at T.V tungkol dun" sabi nya sa akin. Pati nga tuloy ako ay nagtaka.
"Oo nga" sagot ko sa kanya.
"Tapos ang ibang estudyante ay walang alam sa pangyayari.. di ba naka pagtataka yun? Sa bagay tayong three sections lang naman ang nasa third floor and ang ibang room dun ay faculty and vacant na yung iba" dugtong nya.
"Pero kahit na ganun, hindi ba dapat inaanounce nila yung nangyari para kahit papaano alerto ang lahat" sabi ko sa kanya. Umupo sya sa lapag.
"Hoy yung palda mo" reklamo ko sa kanya. Buti na lang at wala pa gaanong estudyante dito sa school dahil maaga pa naman at ang iba ay hindi pumasok dahil sa excited ang mga ito sa gaganapin na School Camp na magsstart na bukas.
"Yeah, pero ito from my source.. so hindi ako sure kung totoo.. pero si Mr. CEO daw ang nagsabi na huwag ng ipaalam ang nangyari" napatingin ako sa kanya na busy sa kalilipat ng dyaryo.
"Pero paano yung mga pamilya nila?" tanong ko sa kanya.
"Hmm ewan, baka binayaran nya or something.. ito oh, itong page na to imbes na yung nangyari dito ang nakalagay dito.. Pero pangalan nya Mr. CEO Mino De Aguas chuchuchu~ puro about sa business nya" Nakibasa na din ako sa kanya.
Ang dami nyang hawak na dyaryo. Lahat ng yun ay tungkol sa Business ni Mr. Mino.
"Pero kahit naman ako itatago ko ung ganong pangyayari.. syempre malulugi ang negosyo ko kapag ibinalitang may ganung pangyayari lalo na dito sa school.. Paniguradong Walang Papasok na estudyante dito at hindi na din sya kikita" sabi ko sa kanya dahil puro business ang nasa utak ng CEO na to.
Hindi namin na malayang ang bilis ng oras. Nang biglang mag ring ung bell.
-----
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...