Chapter 11

18 3 0
                                    

------ 💀
Kia's PoV

"Pitik sa tenga sa kagrupong naging dahilan ng pagkatalo" basa nya dito.

"Pfftt.. nice di naman pala ganun ka tindi ang parusa nila" Tumawa si Kein.

"Oo pero masasabunutan ka namin kapag ikaw ulit ang dahilan ng pagkatalo natin.. Ikaw lang kaya ang lalaki dito sa group" sabi ni Sarah.

Pinitik ni Fiona si Kein sa tenga.

"Kailangan pa ba nating dalhin tong card?" sabi ni fiona.

"Siguro?Oo? teka bakit kasi walang tao dito paano na lang kung ayaw nung ibang grupo ung punishment nila edi pipitas na lang sila ng pipitas?" sabi ni Kein..

Kaya naman napalingon kami sa paligid. Kinuha ni Kein ung Card at ibinigay sa akin..

"Ok ka lang ba Kia? gusto mo ikaw ang humawak nito" sabi nya sa akin kaya tinanggap ko to.

At nagsimula na kaming maglakad papasok ulit sa building.

"Hay naku! bakit ba kasi Cards yung nakaassign sa atin? Ang boring naman, Mas gusto ko tuloy sumama kila Shara" reklamo ni Fiona.

Nagkibit balikat lang kami.

"Wait guys, Nasaan si Xiara?" tanong sa amin ni Vianca.

"Huh? diba sabi ko huwag lalayo?" sabi ni Kein.

"Pasaway talaga ngayon tuloy maghahanap pa tayo.. hindi natin magagawa ung Mission kapag hindi tayo kompleto" sabi ni Sarah.

"Baka naman kasama nila Shara?" sabi ni Haidi. Napakamot na lang ng ulo si Kein..

"Tara na.. siguro nga nandun sya, sabihin na lang natin na nagcr" sabi ni Kein.

"Pero hindi ba dapat natin syang hanapin pa rin?" sabi ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin.

"Yeah pero it's her choice, sinabi ko na sa kanya na huwag na nilang ituloy yun" sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Kayo kung may balak kayong sumali sa kanila pwede na kayong umalis" dugtong pa nya.

"Aray!" pinalo sya ni sarah.

"Wag kang mag-inarte! bakla ka ata eh.. tara na nga" sabi ni Sarah.

Nagsimula na kaming magpatuloy ulit.

"Napakadilim naman dito, hindi ata uso bumili ng Ilaw" sabi ni Vianca.

"Vian hindi naman madilim kung inoopen mo yang Flashlight na hawak mo" Sabi ni Sarah..

Napatingin naman ako dun sa Flash light na hawak nya.

"Hindi naman to gumagana" sabi nya.

"Eh? dinala mo pa yan.. ano yan props?" sabi ni Fiona.

"Ito gamitin mo" ibinigay ko sa kanya yung flash light ko.

"Teka, Kia wala kang gagamitin" sabi sa akin ni Kein..

"Ok lang, Meron naman akong extra" kinuha ko yung isa ko pang flash light..

"Wow girl scout" sabi sa akin ni Sarah.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Bakit ba walang ibang estudyante dito?" Tanong ni Sarah.

Napatingin ako sa paligid namin..

"Siguro nasa kanya kanyang room na at busy sa paggawa ng task nila, ito tayo nagtsi-tsismisan pa" Tumawa si Fiona.

Nagulat kami ng biglang may sumigaw sa kabilang building..

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon