Chapter 21

17 2 0
                                    

-----💀
Kia's PoV

"Haidi!!" agad akong napatakbo sa pwesto nya. Nagtulungan kaming tanggalin ang Nakatali sa Paa nya.

"Ahhhh!!!" Napatingala ako dahil narinig ko ang pagsigaw ni Sarah..

Bibitawan ko sana si Haidi para tulungan si Sarah. Pero sumigaw si Sarah.

"No! Kia s-si Haidi T-tulungan mo sya.. Wag mo na akong alalahanin.. Para sa akin tulungan mo si haidi" ngumiti sya sa akin.

Nakita ko kung paano tumalsik si Sarah sa pader. Napapikit na lang ako.

Bumalik ang paningin ko kay Kein na pilit pa din tinatanggal ang nakatali sa paa ni Haidi.

"Ahhh!" sigaw ni Haidi..

No.. please.

Tinulungan kong tanggalin ang nakatali dito. Kasabay nang pagtanggal namin ng Tali ay Biglang Nakarinig kami ng Matinding Sigaw..

Yung sigaw na nakakabingi.. Napatakip kami ng tenga dahil ang sakit nitong pakinggan..

"Ahhhhh.."

Kumapit ako sa braso ni Haidi.

"Tumigil ka na!!" sigaw ko sa kanya.

"Wala akong ititira.. binawi ng mga katulad ninyo ang kalayaang dapat na meron ako!" isinigaw nya sa amin.

"Patawarin mo sila.." Umiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan.

"PATAWARIN!? hahaha Huli na para patawarin ko sila! Kia.. mahal kong Kia! Ako at ikaw ay iisa kaya magtulungan tayo.. Kitilin mo Ang buhay ng iyong Matalik na kaibigan"

Humigpit ang hawak ko kay Haidi. Umiling ako..

"Hindi ko gagawin ang sinasabi mo.. Hindi tayo magkapareho! patay ka na at ako ay buhay pa!!" sagot ko sa kanya.

Tumawa sya ng malakas..

"wag kang mag-alala kung ayaw mong gawin.. pwedeng ako naman ang gumawa"

sabi nya. Bigla namang nagbago ng ekspresyon nito bigla itong sumeryoso.

"Wag ang Kaibigan ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Oh! edi ito na lang"

Nakita ko ang Paghagis nya kay Kein.

"Wag!! Parang awa mo na Tigilan mo na kami!" Narinig ko ang pag-iyak ni Haidi.

"Kia.. hindi nya tayo titigilan hangga't nabubuhay pa kami" Umiling naman ako.

"Hindi ko alam kung anong gagawin Haidi para mahinto to.. pero wag kang mawawalan ng pag-asa" sabi ko sa kanya.

Agad naming pinuntahan si Kein.

Tinulungan namin syang tumayo. Napalingon ako kung nasaan si Kia kanina.

Wala na ito dun.

"Tara na!" sabi ko kay Kein at Haidi..

Tumakbo kami. Pero napatingin ako kay Kein nung huminto sya..

"Kia Wag kang titingin sa mga mata nya.." sabi nya sa akin na ikinataka ko.

"P-pero hindi ko makikita ang mga mata nya" sabi ko sa kanya.

"Kung ganun malayo ka sa kapahamakan.. Dahil may nabasa na ako tungkol sa ganitong sitwasyon.. ngayon mas napatunayan kong kamukha mo nga sya.. Kaya naalala ko na kapag nakita mo ang sarili mo Mamamatay ka" sabi nya sa akin.

-----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon