Chapter 8

29 3 0
                                    

----- 💀
Kia's PoV

Agad kaming tumayo at pumasok sa kanya-kanya naming room. Since hindi naman kami magkaklase ni Haidi, pero magkatabi lang ang room namin.

Mabilis na Nag lesson ang mga teacher namin. Wala nga akong naintindihan pero buti nalang talaga at tapos ko naman na ding aralin ang mga itinuro nila.

Maaga ding nagdismiss dahil may ibinigay silang Memo.

Espesyal ito dahil para ito sa aming mga taga third floor dahil ang laman nito ay ang, Pagbabawal sa amin na Magkwento o mag banggit nang kahit na anong nangyari noong nakaraang linggo dahil agad itong matatanggal sa school.

"Ang harsh naman nito" si Xiara

"Maganda nga yan at makakagalaw tayo ng mas maluwang dahil walang kaalam-alam ang ibang section sa ibang floor" si Shara.

"Grabe ang power ni Mr. CEO noh? akalain nyong kaya nyang pagtakpan to at naihinto nya agad ang mga tsismisan at usap-usapan" si Aina.

"Yeah pero ipagpapatuloy pa ba natin ung plano?" si Andia.

"Of course, chance nating gawin yun dahil walang O.A na students sa Camp na magsisigawan or kung anong ka O.A-han since wala silang clue then si killer Hindi na mag-aabalang magtago dahil wala namang maghahanap sa kanya" sabi ni Shara. Bigla namang sumingit si Kelvin.

"Yeah except sa atin hahaha" tumawa ito.

"Yeah right, except sa atin.. mas lalo tuloy akong naeexcite!" napapalakpak pa si Shara.

"Ay! Mga BASTOS!" narinig namin si Mrs. Lucilda sa labas. Pumasok ito sa klase namin na mukhang stress na stress.

"Maam di pa ba dismiss?" tanong ni Aina.

"Kung gusto mo nang umuwi, umuwi ka na" sagot naman nito sa kanya. Kaya napaupo na lang ulit ang lahat.

"Okay here are the groups para sa Camp tomorrow.. May mga activities at kung anu-ano pa.. Yung mga hindi sasama automatic mag tetest kayo ng one to two hundred at yung mga sasama ang masasabi ko lang ay.. GOODLUCK!" sabi nito sa amin at hindi na din ito nagtagal at umalis na din.

-----
Group 1
Lead: Mandy
Ley
Gwen
Penelophe
Jake

Group 2
Lead: Shara
Sarah
Kein
Zeke
Marilou

Group 3
Lead: Vianca
Kelvin
Kiana
Rosa
Xiara

Group 4
Lead: Aina
Andia
Troy
Quin
Happy

Yung sa Section pa lang namin ang nandito. Pero, hindi pa lahat nakalista dito.. ang iba ay napunta sa ibang Section, at taga ibang section ang mga kagrupo nila.

Lumabas na ako ng room Agad kong hinanap si Haidi.

"Haidi.." kumaway ako sa kanya.

"Oh Kia.." lumapit ito sa akin.

"Alam mo na ba kung saang grupo ka naassign?" tanong ko sa kanya pero umiling sya.

"Wala pang ibinigay sa amin, bukas pa daw namin malalaman para daw surprise" napanguso ito.

"Sana magkagrupo tayo.. since hindi pa naman final yung arrangement" ngumiti ako sa kanya.

"Yeah" sagot niya sa akin.

Nang makauwi ako sa bahay ay nag bihis ako at naghanda nang makakain ko.

Habang kumakain ako ay napakatahimik ng bahay. Mag-isa na lang ulit ako.

----

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon