Chapter 6

30 4 0
                                    

----- 💀
Kia's PoV

Napangalumbaba na lang ako dito sa aming mesa.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi naman ako naniniwala sa multo.

Pero sino yung nakikita ko nitong nakaraan.

Akala ko titigil na sya dahil pinatay nya si Kuya. Pero, Hindi..

Sa mga Panahong nagluluksa ako, ay lagi ko syang natatanaw..

Nagmamasid lang sya. Sinusundan nya ang bawat pag galaw ko. Pinipilit ko syang, hindi tignan dahil tumatayo ang balahibo ko sa tuwing nakikita ko sya.

Dahil..

Wala syang mga mata..

-----
School

"Hey girls look oh.." si Happy. May ipinakita sya sa aming permit.

"This thursday na pala yan?" si Aina.

"School camp? Masaya ba yan? hindi naman kasi ako nakasama last year" si Xiara

"Oo, Sure akong masaya to like last year.. may school camp din. Si Kein ang nagpasimuno na maglaro ng ghost hunting..Tapos nag hanap hanapan kami ng ghost syempre isa sa amin ang kunyaring ghost then magtatago sa rooms tapos huhulihin namin" kwento ni Shara.

"Pero guys paano yung mga nangyayari dito sa school natin Last week magkasunod na may namatay.. Nakakatakot kayang sumama" si Andia.

"Syempre mas exciting yun noh!" si Shara.

"Edi Baguhin natin ang game Killer hunting na lang haha" dagdag nito. Nakinig silang mabuti sa sinasabi nito.

"Eh mukhang Masaya kaso delikado" si Sarah. Nakapoker face lang ito.

"Hay naku! twinnie!! wag kang KJ" sabi ni Shara. Tinapik nito ang balikat ng Kambal nya.

"Bakit sure ba kayong ang Killer na sinasabi nyo ay tao?" sabi ni Vianca na nasa likuran naming lahat kasabay nito ang pag-ayos nya ng salamin nya.

"Bakit nerd sa tingin mo ba hindi yun tao? ano yun multo? huwag mong sabihing naniniwala ka pa rin sa multo" nagtawanan naman sila dahil sa panggagaya ni Shara sa tono ng pagtatanong ni Vianca.

Umiwas ng tingin si Vianca.

"Boo!!"

"Ahhh!" sigaw nila. Masamang tumingin sila kay Kelvin.

"Ano ba Kelvs!" si Shara.

"Oh haha narinig ko kasing pinag-uusapan nyo ang multo, so ano Kein ghost hunting ulit" hinila nya papalapit sa amin si Kein.

"Sige ba! walang KJ lahat sasama ah!" sabi nito.

"Kein may suggestion kami, bakit hindi nating gawing Killer hunting" sabi ni Rachelle.

"What?!" si Kein na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.

"You know, di ba may nangyari last week here in our school yung dalawang pinatay? since school camp yun.. hindi impossible na nandun ang killer" sabi Shara.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo? paano kung tayo ang mapahamak?" si Kein tinaasan sya si Shara ng kilay.

"Oh? Mr. Bad boy, wag mo din sabihing natatakot ka? biruan lang naman at tsaka impossible pa rin naman nating makita yun.. pero kung malaman natin kung sino edi ireport natin oh, nakatulong pa tayo" sabi ni Shara.

Nag-agree naman ang lahat sa sinasabi ni Shara.

Pero ako, kung ako ang tatanungin dapat hindi nila ituloy yung pinaplano nila dahil kagaya ng sinasabi ni Vianca. Hindi sila nakakasiguro kung tao ba talaga ang killer na sinasabi nila.

Napalingon ako sa may Pintuan.

------

KianaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon