------ 💀
Kia's PoV"Ikaw na pumitas, ika'y minamalas sa pagdaan ng oras ikaw ay dandahang maaagnas" nagkatinginan kami.
Nang bigla kaming makarinig ng Sigaw.. Sigaw na takot na takot.
Pagdating namin sa lugar na yun. Nakita naming nagkukumpulan ang mga estudyante. Nandun din sila Shara.
"Ugh!! Nakakainis ano tong trip nila! sigurado na talaga akong pinagtriptripan tayo ng mga Teachers, even Mr.Principal!!" Sigaw naman ni Shara.
Nang makalapit na kami sa kanila ay agad na niyakap ni Sarah ang kapatid nya.
"Sis buti ok lang kayo" sabi ni Sarah sa kapatid.
"Yeah, pero unti unti kaming nababawasan, look inside that room.. Si Fiona" agad kaming pumunta sa tinutukoy nya na room.
Naamoy agad namin ang sangsang nito.. Ang baho..
Hindi lang si Fiona ang nandun pati ang iba pang Estudyante ay nandun din. Kagaya ng nasa Card unti unti na nga silang naaagnas. Pero kasama lang namin sila kanina.
No hindi sila naaagnas. Pero parang binuhusan sila ng asido at lapnos ang mga balat nya na parang natutunaw.
Agad din kaming lumabas at sinarado ang pinto dahil hindi na namin nakayanan ang amoy.
"May mga ganito din ba kayong nakuha?" tanong ni Sarah
"Wala, hindi naman kami nakaassign sa Mga Cards " Sabi ni Aina.
"Ano ba ang nakaassign sa inyo?" tanong si Sarah.
"Dapat sa Field pero Pinalitan namin, kinuha namin yung Hide and seek" sabi nung isa.. Meron kasi silang kasamang hindi namin mga Kaklase.
"Mabuti at hindi nyo itinuloy ang sa Field. Dahil may pakalat kalat na Card dun ito" ipinakita ni Kein ang Card.
Binasa naman nila ang nakasulat dito.
"P*tang*na talaga.. Kaya sinabi ko sa inyo guys na kailangan na nating mahuli ang Killer na yan" sabi ni Aina.
"Anong laro ba kasing laro to?! at bakit wala na ang ibang mga Teachers at estudyante na nagbabantay?" Sabi nung isa.
May narinig kaming tumatakbo papunta sa amin. Si Jeff yung Vice President ng Room namin.
"Nandito lang pala kayo" hinihingal na sinabi nito.
"Ikaw ung killer ano?!" sabi ni Andia.
"What? no! Kanina pa ako tumatakbo dahil wala akong makitang mga Teacher.. Pero yung iba nakita ko, kaso patay na" sabi nito sa amin.
"Jeff may alam ka ba tungkol dito sa nangyayari?" tanong ni Kein sa kanya. Umiling ito.
"Baka naman nagmumulto na si Sydney at si Mrs. Pantalion" Sabi ni Kelvin..
"Kelvs! duh! isa ka rin" sabi ni Andia.
"B-bakit ano bang nangyari sa kanila?" Tanong nung isang estudyante na hindi namin kaklase o kagrupo.
"They died last week, hindi nyo yun malalaman dahil hindi namin pwedeng ikwento ang tungkol dun, pero sa mga oras na to siguro pwede na dahil mamamatay na din naman tayo" sabi ni Andia.
-----
Nagkumpulan kami sa isang sulok..
Narinig kong May paparating.. Pero na patingin ako sa mga kasama ko dahil wala silang reaction..
Maliban na lang kay Kein..
Napatingin sya sa akin. Puno na rin ng pawis ang mukha nya.
"K-Kia.. N-naririnig mo din ba?" sabi nya sa akin. Tumango lang ako at tumingin kay Haidi na nasa tabi ko.
"Haidi, wala ka bang naririnig?" tanong ko sa kanya.
"Huh? anong naririnig? naririnig naman kita ah" sabi nya sa akin at umupo sya sa sahig. Ganun din ang ginawa ko.
"Hindi yun.. May naririnig ka bang kakaiba?" tanong ko sa kanya..
"W-wala bakit may naririnig ka ba? Kia, natatakot na tuloy ako lalo" sabi nya sa akin.
Kinuha ko yung ibang mga Card.. At ganun din ang mga nakalagay pero may ibang card dun.. na Iba ang nakasulat..
Nakakakilabot dahil sa pwede namin itong masaksihan ano mang oras..
Nakalagay kasi sa mga ito na Delikado sila kapag nandito sila sa loob ng building dahil dito sila mamamatay..
Napatingin ako dun sa mga nagmamay-ari ng mga ito, Halos lahat sila Highest Section.. Sayang naman..
Parang Unti-unting sumama ang pakiramdam ko..
"Ano ba Kenedy! bitawan mo nga ako!" Napalingon kami sa isang estudyanteng sumisigaw.
"Cha, Anong nangyayari sayo?" sabi naman nung isa. Napakunot ang noo ko dahil hindi nila nakikita ang taong nakahawak sa leeg nito.
Napasigaw ang lahat ng Bumagsak si Cha at walang ng buhay.
"Ahhhhh" Kusa silang nagtakbuhan..
"Sadali!! Tumigil kayo!" sigaw ni Kein.
Pero hindi sila nakinig.. Nakatayo lang kami samantalang ang iba ay nagsi-takbuhan.
-----
BINABASA MO ANG
Kiana
HorrorDream 2: Horror Mystery ---- Ano bang dapat gawin, kung may nagpaparamdam sayo? Paano kung kamukha mo ito? at Pumapatay ng tao? Paano kung ikaw din ay si Kiana.. at hindi mo alam na kamukha mo din sya. Paano kung ikaw ang nasa...